
Noong Sabado, October 4, bumalik ang Dance Universe sa iba't ibang makukulay na dekada sa Stars on the Floor, ngunit '80s era ang tunay na nagwagi sa dance floor.
Sa naturang episode, itinanghal sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre bilang 13th top dance star duo matapos ipamalas ang kanilang nakaka-good vibes na '80s workout dance number, suot ang makulay na retro costumes.
Hindi napigilan ni Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang na makiindak sa '80s na performance ng dream star duo. Humanga rin sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay sa pasabog na energy ng dalawa.
Nakalaban nina Glaiza at JM sa dance showdown ang mag-duo na galing sa 2000s na sina Faith Da Silva at Zeus Collins.
Noong nakaraang linggo, tila tuloy-tuloy ang winning streak nina Glaiza at JM dahil nagwagi rin sila bilang 12th top dance star duo.
Abangan ang mas nag-iinit pang performances nina Glaiza at JM sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor':