
Sa unang challenge ng final dance star duos sa Stars on the Floor, napukaw nina Glaiza De Castro at JM Yrreverre ang atensyon ng dance authorities at viewers.
Kinilala bilang 6th top dance star duo sina Glaiza at JM dahil sa kanilang emosyonal na interpretative dance noong Sabado, August 16.
Naaliw ang dance authorities sa kanilang performance gamit ang props na hagdan, na lalo pang nagbigay ng emosyon sa kanilang interpretative dance.
Ang nakalaban nina Glaiza at JM sa dance showdown ay sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi.
Sa Instagram, nagbahagi naman si JM ng isang dance cover kasama si Glaiza.
"The dream star duo is back," isinulat ng digital dance star.
Noong August 9, na-reveal ang mga magkakapareha bilang final dance star duos na magtatagisan sa dance floor hanggang dulo.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances ng final dance star duos sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang iba pang naging top dance star duos sa Stars on the Floor: