
Mula tubig hanggang hangin, nanalo ang elemento ng apoy sa Stars on the Floor noong Sabado, September 27.
Sa pinaka-mainit na tandem sa naturang episode, itinanghal sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre bilang 12th top dance star duo matapos maghatid ng fierceness gamit ang elementong apoy. Nagpakitang gilas din ang dream star duo ng kanilang galing sa pagsasayaw habang nakasuot ng heels.
Tila nag-ala Pirena si Glaiza kasama si JM at ipinakita ang tunay na init ng Hathoria, kaya naman napahanga ang dance authorities sa kanilang nag-alab na performance.
Pinuri ni Coach Jay, Marian Rivera, at Pokwang sa first time na pag-suot ng heels ni JM dahil naging flawless pa rin ang kanilang performance. Napahanga rin ang dance authorities sa energy ni Glaiza na hindi nagpatinag sa galing ni JM.
Nakalaban nina Glaiza at JM sa dance showdown ang mag-duo na sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi.
Noong nakaraang linggo, kinilala naman sina Thea Astley at Joshua Decena bilang 11th top dance star duo.
Abangan ang mas nag-iinit pang performances nina Glaiza at JM sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: