What's on TV

Glaiza De Castro at Kelvin Miranda, excited na sa kanilang reunion sa 'Sang'gre'

By Kristine Kang
Published February 23, 2026 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Björn Again to bring 'ABBA Forever' tribute tour to Manila, Cebu in August
Notice of violation issued for 11 structures within Mt. Matutum protected area
Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap mark Shiloh's 7th birthday with a 'Bluey' party

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro and kelvin miranda


Abangan ang magaganap na pagsasama-sama sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'!

Kaabang-abang ang mga susunod na eksena ngayong linggo dahil magaganap na ang pinakahihintay na pagkikita at pagtutulungan ng dalawang henerasyon ng mga Sang'gre.

Matatandaang napanood na ng Kapuso viewers ang emosyonal na muling pagsasama ng magkakapatid na sina Alena (Gabbi Garcia), Amihan (Kylie Padilla), Pirena (Glaiza De Castro), at Danaya (Sanya Lopez).

Ngayong tatahak na rin sila sa mundo ng mga tao, mas lalo pang tumitindi ang pananabik ng fans na masaksihan ang kanilang pagsasanib-puwersa sa new-gen Sang'gres na sina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), at Adamus (Kelvin Miranda).

Hindi lamang ang mga manonood ang sabik sa mga darating na tagpo, kundi maging ang cast mismo ay hindi na rin makapaghintay na mapanood ito sa telebisyon.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Glaiza De Castro ang kanyang excitement sa magiging takbo ng kuwento ni Sang'gre Pirena.

"Nakita natin ang muling pagkabuhay ni Pirena at kung paano niya muling ipagtatanggol ang Encantadia at ang kanyang mga hadiya at mga anak," ani Glaiza.

Samantala, labis din ang sabik ni Kelvin Miranda sa mga susunod na eksena sa superserye.

"Excited ako sa magiging plot talaga. Kumbaga, dinadala na kami doon habang paunti-unting dinadala sa amin 'yung script. Habang nasho-shoot namin 'yung iba, nare-reveal sa amin na talagang mas pinaghinahandaan 'yung istorya ng Sang'gre ngayon," pahayag ni Kelvin.

Bukod sa inaabangang reunion, haharap din sa matinding pagsubok si Terra (Bianca Umali) lalo na't nasa kamay ni Gargan (Tom Rodriguez) ang kanyang Ivtre.

Samantala, hindi rin magiging madali ang haharapin ni Armea (Ysabel Ortega) sa Sapiro, kung saan may nagbabalak agawin ang kanyang trono.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Silipin ang 2026 taping ng Sang'gre cast sa gallery na ito: