GMA Logo glaiza de castro at rayver cruz sa nagbabagang luha
What's on TV

Glaiza De Castro at Rayver Cruz, bibida sa GMA adaptation ng classic '80s film na 'Nagbabagang Luha'

By Jansen Ramos
Published February 15, 2021 10:46 AM PHT
Updated March 9, 2021 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro at rayver cruz sa nagbabagang luha


Magtatambal sa unang pagkakataon sina Glaiza De Castro at Rayver Cruz sa GMA adaptation ng hit '80s movie ni Ishmael Bernal na 'Nagbabagang Luha.'

Nagbabagang pagmamahal sa pamilya, atensyon, at tagumpay.

Iyan ang mga maiinit na eksenang muling bibigyang-buhay ng GMA Network sa bagong seryeng Nagbabagang Luha, na hango sa classic '80s movie na may parehong pamagat na idinerehe ng National Artist for Cinema na si Ishmael Bernal.


Ang pelikula ay pinagbidahan ng mga respetado at batikang aktor sa industriya na sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson, at Richard Gomez.

Sa TV adaptation ng Nagbabagang Luha, gagampanan ni Glaiza De Castro ang papel ni Lorna na si Maita.

Sobra-sobra at todo buhos kung magmahal si Maita, na kaya niyang ibigay at gawin ang lahat para sa pamilya at sa asawa.

Isang ulirang anak at kapatid si Maita, pero hanggang saan ang kayang niyang tiisin kapag ang sariling kapatid na ang magtataksil sa kanya?

Si Rayver Cruz ang gaganap sa karakter ni Gabby, si Alex.

May hero complex si Alex kaya naman naniniwala siyang kaya niyang pagtagumpayan at makuha ang kahit ano'ng pinaghirapan niya.

Wala sa bukabularyo ni Alex ang pagkabigo kaya guguho ang mundo niya nang masira ang kasal kay Maita.

Ipakikilala rin sa naturang serye ang 22-year-old rising star na si Claire Castro, anak ng '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

Dahil sa kanyang mala-inosenteng mukha, ibinigay sa kanyang ang role ni Alice, si Cielo.

Dahil lumaking uhaw sa atensyon ng ina at ama, pilit na maghahanap ng pagmamahal si Cielo sa ibang tao, lalo na sa mga lalaki, na magdudulot ng hidwaan sa pagitan niya at kanyang nakakatandang kapatid na si Maita.

Nagbabagang pagkamartir at pagkamapagbigay naman ang hugot ng karakter na gagampanan ni Mike Tan, si Bien, na orihinal na binigyang-buhay ni Richard Gomez.

Dahil may pagtingin sa kaibigan, si Bien ang magsisilbing liwanag ni Maita sa panahong malulugmok ito sa problema sa asawa.

Tampok din sa GMA adaptation ng Nagbabagang Luha sina Myrtle Sarrosa, Karenina Haniel, at Royce Cabrera.

Araw-araw ring masasaksihan at mamahalin ng mga manonood ang pagganap ng mga magagaling at beteranong aktor na sina Archie Adamos, Allan Paule, at Ms. Gina Alajar.

Sasailalim ang cast, at mga staff at crew ng Nagbabagangg Luha sa isang closed group shoot o lock-in taping alinsunod sa patakaran ng COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Magsisimula ito ngayong araw, February 15, sa Laguna at tatagal nang ilang linggo.

Samantala, matatandaang nagbakasyon si Glaiza sa Ireland kasama ang kanyang ngayo'y fiancé na si David Rainey bago nagbalik-serye ang aktres.

Tingnan ang kanilang mga nakakakilig na larawan dito:

Mapapanood ang Nagbabagang Luha soon sa GMA-7 at sa flagship international channel nitong GMA Pinoy TV.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito mapapanood overseas, bisitahIn ang www.gmapinoytv.com/subscribe.