GMA Logo glaiza de castro
Celebrity Life

Glaiza De Castro, binalikan ang pagganap kay Gregoria De Jesus sa historical docudrama na 'Katipunan'

By Jansen Ramos
Published December 1, 2021 6:39 PM PHT
Updated December 2, 2021 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate on alleged weaponization of LOAs by BIR personnel (Dec. 11, 2025) | GMA Integrated News
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro


Maaaring mapanood ang full eight episodes ng GMA News and Public Affairs historical docudrama na 'Katipunan' sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Binalikan ni Glaiza De Castro ang pagganap niya bilang Gregoria De Jesus sa 2013 GMA News and Public Affairs historical docudrama na Katipunan sa araw ng kapanganakan ng "Ama ng Katipunan" na si Andres Bonifacio kahapon, November 30.

Ibinahagi ni Glaiza ang eksena nila ni Sid Lucero, na gumanap sa papel ni Bonifacio, mula sa docudrama para magbigay-pugay sa pambansang bayani ng bansa. Si Gregoria, o kilala sa pangalang Oriang, ay ikalawang asawa ni Bonifacio. Bilang maybahay ng lider ng rebolusyon, malaki ang naging kontribusyon ni Oriang sa Katipunan kaya naman binansagan siyang "Ina ng Rebolusyong Pilipino."

Ika ng aktres, "Isang pagbabalik tanaw sa espesyal na proyekto upang magbigay pugay kay Andres Bonifacio.

"Bukod sa pagiging Ama ng Katipunan, siya ay nagsumikap maging mabuting haligi ng tahanan; at sa parehong aspeto, dapat natin ipagpatuloy magsumikap alagaan ang mga ipinaglaban niya at ng iba pang bayani ng Pilipinas."

Nag-iwan pa ng isang matapang mensahe si Glaiza sa kanyang fans at followers noong Bonifacio Day.

Dugtong niya, "Tulad nga ng Ama ng Katipunan, matuto tayong manindigan sa nararapat at ipaglaban ang sariling atin. Hindi padadaig hanggang dulo. Panatilihin nating isabuhay ang mga magandang sinimulan."

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Sa mga nais balikan ang Katipunan, mapapanood ang full eight episodes nito sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Samantala, narito ang iba pang artistang gumanap bilang babaeng bayani sa telebisyon at pelikula: