GMA Logo marian rivera and glaiza de castro
Celebrity Life

Glaiza De Castro considers Marian Rivera as her sister, reveals what they share in common

By Jansen Ramos
Published August 27, 2021 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera and glaiza de castro


Glaiza De Castro on Marian Rivera and Dingdong Dantes: "Sana magka-work tayo ulit."

Noon at magpahanggang ngayon, magkapatid ang turingan nina Marian Rivera at Glaiza De Castro.

Maraming pinagsamahang proyekto ang dalawa, kabilang diyan ang 2011 GMA period drama na Amaya kung saan magkapatid ang kanilang role.

Makaluma ang mga pananalita at pananamit nina Marian at Glaiza sa palabas dahil 16th century o bago dumating ang mga Kastila ang setting ng historical fiction na base sa katutubong kultura ng Visayas.

"Bai" ang tawagan nila sa Amaya na magpahanggang ngayon daw ay ginagamit nila kapag sila ay nagkikita, ayon kay Glaiza na may guest appearance sa online event nina Marian at asawang si Dingdong Dantes na "DongYan #StrongerTogether" FunCon ng GMA PInoy TV noong August 25.

Bahagi ni Glaiza, "Nagsimula 'yung 'Bai' no'ng ginawa namin 'yung Amaya so 'Bai' means sister at ever scene ginawa namin 'yun, 'Bai' na 'yung naging tawagan namin kasi I consider her as my sister."

Sinang-ayunan naman ito ni Marian at, aniya, isa si Glaiza sa mga itinuturing niyang kaibigan sa showbiz.

Sambit ng Kapuso Primetime Queen, "Siguro isa sa mga naging thankful ako is naging kaibigan ko talaga si Glaiza kasi isa 'yan sa kahit hindi kami magkita o magtext nang mahabang panahon pero 'pag nagkita kami n'yan, parang kakakita lang namin."

Matapos ang Amaya, muling nagkatrabaho sina Marian at Glaiza sa 2012 sitcom na Tweets For My Sweet na sinundan ng kabit-seryeng Temptation of Wife, na talaga namang pinag-uusapan. Sa katunayan, muli pa itong ipinalabas sa GMA noong 2020.

Dito ay gumanap na kerida si Glaiza bilang Heidi. Kabit si Heidi ni Marcel (Dennis Trillo) na asawa ni Angeline, ginampanan ni Marian.

Magkaribal man sila sa soap, friends naman daw talaga sina Marian at Glaiza in real life at isa sa dahilan kung bakit sila nag-click ay dahil sa hilig nila sa sweets.

Pagbubuking ni Glaiza kay Marian, "Sobrang hilig niya po sa sweets. Ang slim ng figure niya tapos parang 'di ko akalain na hindi niya pala dine-deprive 'yung sarili nya. So nakakatuwa na parehas kaming mahilig do'n.

"Everytime na nagte-taping kami especially no'ng ginawa namin 'yung Temptation of Wife, ang dami niyang dalang mga sweets, siyempre pampa-happy sa set so [bonding] na namin 'yun."

Samantala, nagbigay rin ng mensahe si Glaiza sa kanyang dating co-stars na sina Marian at Dingdong na parehong nagdiwang ng kanilang birthday ngayong Agosto. Nakasama ni Glaiza si Dingdong sa 2009 drama na Stairway To Heaven.

Ani ng Nagbabagang Luha lead star, "Dong and Marian, alam ko ilang beses n'yo na 'tong narinig kasi ang dami n'yo nang na-achieve pero gusto ko lang din sabihin na pagpatuloy n'yo 'yan, pagpatuloy n'yo 'yung pag-inspire n'yo sa mga tao with your stories, with your perseverance.

"Grateful ko na nakatrabaho ko kayo at nagpapasalamat ako sa opportunity na binigay n'yo rin sa 'kin. I am grateful to grow with you, to work with you, guys, and sana magka-work tayo ulit. Congratulations sa inyo."

Panoorin ang buong mensahe ni Glaiza kina Marian at Dingdong at 1:21:30 mark sa video na ito:

Matatandaang si Marian dapat ang kapareha ni Glaiza sa 2015 lesbian-themed primetime series ng GMA na The Rich Man's Daughter. Pinalitan ni Rhian Ramos si Marian sa papel na Jade dahil sa maselang pagbubuntis ng huli noong panahong iyon.

Nagkaroon din si Marian at Dingdong ng guest appearance sa Encantadia requel noong 2016 bilang Minea at Raquim, kung saan kabilang sa main cast si Glaiza.

Balikan kung sinu-sino pa ang mga gumanap sa iconic characters ng kinagiliwang Kapuso telefantasya rito: