GMA Logo Glaiza De Castro
What's Hot

Glaiza De Castro, excited na sa 'Sang'gre' at upcoming Girl Love movie

By EJ Chua
Published December 4, 2024 3:35 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Cebu province, Cebu City suspend classes for Monday, January 19, 2026
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Looking forward na si Glaiza De Castro sa mga kaganapan sa kanyang buhay sa susunod na taon.

Excited na sa napakaraming bagay ang Sparkle star na si Glaiza De Castro.

Hindi pa man natatapos ang taon na ito, mararamdaman na ang pagiging abala ni Glaiza sa kanyang upcoming projects bilang aktres.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktres, inilahad niyang marami siyang nakapilang proyekto sa 2025.

Isa sa talaga namang nilu-look forward ni Glaiza ay ang GMA fantasy drama series na Sang'gre na kanyang kinabibilangan.

Sabi niya, “Next year, siyempre ang Sang'gre. Kaya pulang-pula ang aking buhok dahil nagbabalik na si Pirena.”

Bukod pa rito, nagkuwento rin siya tungkol sa upcoming Girl Love o GL film nila ni Rhian Ramos na I Fell, It's Fine.

“Mayroon din kaming pelikula na ginawa. Looking forward ako na mapanood ng mga Kapuso natin 'yan. [Looking forward] din na mai-share ang message ng mga pelikulang ginawa naming nitong taon na ito,” sabi niya.

Ayon pa sa Kapuso actress, ang naturang pelikula ang isa sa mga ipinagpapasalamat niya.

“Isa sa ipinagpapasalamat ko 'yun na nakagawa kami ng napakagandang proyekto, at siyempre 'yung suporta ng GMA sa amin. Abangan n'yo, makikita n'yo 'yun next year,” pahayag niya,

Bago pa ang mga ito, nabanggit ni Glaiza na plano niya ring pumunta sa Ireland sa susunod na taon para magbakasyon.

“Baka nasa Ireland ako next year. Ako naman, ipapadama ko naman ang Paskong Pinoy sa ibang bansa next year,” sabi ng aktres.

Samantala, si Glaiza ay happily married sa kanyang Irish partner na si David Rainey.

Ikinasal ang aktres kay David noong October 2021.

RELATED GALLERY: Beach wedding nina Glaiza De Castro and David Rainey, dinaluhan ng mga artista