GMA Logo Glaiza De Castro as Pirena
Photo by: glaizaredux FB
What's on TV

Glaiza De Castro, nagbigay-pugay kay Sang'gre Pirena: 'Para sa Encantadia'

By Kristine Kang
Published October 22, 2025 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BuCor denies scabies outbreak at NBP, other prison and penal farms
Atom Araullo on doing documentaries: "It's a collaboration"
Alleged rebel nabbed for slay of MisOr ex-brgy exec

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro as Pirena


Lubos ang paghanga ni Glaiza De Castro sa sakripisyo at katapangan ng kanyang karakter na si Hara Pirena para sa Encantadia.

Ang mapait na itinakda ay naganap na sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kagabi (October 22), buong tapang na hinarap ni Pirena (Glaiza De Castro) ang mga kampon ni Olgana (Bianca Manalo) upang ipagtanggol ang kanyang kaharian.

Sa matinding labanan, isang malaking sakripisyo ang inalay ni Pirena para sa kapayapaan at kalayaan ng buong Encantadia.

Kasabay ng emosyon ng mga manonood, nagbahagi si Glaiza De Castro ng isang tribute post para sa kanyang pumanaw na karakter.

"Para sa Encantadia. Para sa mga mahal natin sa buhay. Avisala eshma at hanggang sa muli," aniya sa post.

Kalakip nito ang ilang mga larawan ni Pirena, mula sa matapang na pakikipaglaban hanggang sa kanyang huling sandali sa Hathoria.

Kaagad bumuhos ang mga emosyon ng fans sa comments section. Marami ang nagdalamhati sa pagkawala ng kanilang Ashti Pirena.

Maging ang 2016 Sang'gres na sina Gabbi Garcia (Alena) at Sanya Lopez (Danaya) ay nagpaabot ng kanilang pagmamahal sa naturang post.

Subaybayan kung ano ang susunod na mangyayari sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, balikan ang iconic ukay fits ni Ashti Pirena, dito: