GMA Logo Glaiza De Castro
What's on TV

Glaiza De Castro, hinangaan sa maaksyong eksena sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Kristian Eric Javier
Published August 19, 2025 1:45 PM PHT
Updated August 19, 2025 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Allen Liwag motivated by surprise Gilas Pilipinas call-up, to join SEA Games after Benilde run
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Puno ng papuri ang natanggap ni Glaiza De Castro dahil sa kanyang fight scenes sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'.

Naglalagablab ang angas ni Sang'gre Pirena Glaiza De Castro nang makaharap ang mga dumukot sa huwad na Terra sa nakaraang episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa TikTok, ipinasilip pa ng aktres ang behind the scenes ng maaksyong eksenang proud niyang ginawa.

Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Lunes, August 19, umani naman ng paghanga sa fighting skills ni Glaiza mula sa Encantadiks. Isa sa mga aabangan nila ay kung mababawi na ni Pirena ang brilyante ng Apoy mula kay Olgana (Bianca Manalo).

Sa Instagram post ni Glaiza, inamin ng aktres na nababasa niya ang mga comments at tweets tungkol sa kanilang serye at gusto raw niyang magpasalamat dahil nakakataba umano ng puso ang mga nababasa niyang reaksyon.

“Seeing this specific scene for the first time na edited na with scoring simula nung ni-rehearse at shinoot namin siya last year was so nostalgic. Isa rin ito sa mga paborito kong eksena with Direk Ricky 🙏🕊️” sabi ni Glaiza.


TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG TAPING NG 'SANG'GRE' NA IBINAHAGI NINA GLAIZA AT GABBI GARCIA SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi pa ni Glaiza ay maraming alaala ang nagfa-flashback sa kaniya kapag napapanood niya ang mga eksena. Nagbigay rin ng trivia ang aktres tungkol sa pag-back flip niya sa naturang eksena.

Aniya, unang beses pa lang niya ginawa ang pag-backflip na may harness kaya naman nahilo siya pagkatapos kunan ang eksena.

“Buti na lang nag-rehearse kami. Huge thanks to [Action 360] sa guidance at tiwala na magagawa ko ito, lol. At Kuya [Paolo Paraiso], it was nice doing this scene with you lolol,” sabi ni Glaiza.

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


Sa comments section ng kaniyang Instagram post, nagpahayag ng paghanga ang netizens sa naturang actions scenes ni Glaiza.

Sabi ng isang netizen, “Ang galing galing mo sa mga scenes mo talaga, at nag-cheer talaga kami noong bumalik na ang attitude ng favorite Ashti namin haha 😍❤️‍🔥 can't wait na mabawi mo na ulit ang brilyante 🔥”

Isang netizen naman ang nagsabi na sobrang ganda ng daily episodes ng serye at lalo lang sila na-e-excite na mapanood ito.

Sabi naman ng isa pang netizen, si Glaiza ang naging buhay ng serye nitong mga nakaraang linggo, lalo na ang paglalakbay ni Pirena sa mundo ng mga tao, "Grabe ang fight scenes, pangmalakasan! So proud na makita ang pinaghirapan niyo since last year! 🔥”

Puno naman ng paghanga ang isang netizen na hindi gumamit ng stunt double si Glaiza para sa action-packed na eksena, “No stunt double? Ikaw lahat yun? Saludo talaga sayo! Pinakapaborito kong ashti and sanggre! @glaizaredux”

Pirena

source: glaizaredux/IG

Panoorin ang report sa 24 Oras dito: