
Isang masayang sorpresa ang natanggap ni Angelica Panganiban mula kay Glaiza De Castro.
Photo source: glaizaredux
Sa isang Instagram post ni Glaiza ibinahagi niya ang pinaghandaan nilang sorpresang pagbisita kay Angelica. Kasama nila sa pagsorpresa sa aktres ay ang partner nitong si Gregg Homan.
Saad ni Glaiza, "Ang matagumpay na sarprisa kay mama amigah!!!"
Ayon sa post ni Glaiza ay kasama niya ang asawa na si David Rainey. Naka-tag rin sa video ni Glaiza sina Meryll Soriano, Ketchup Eusebio, at Direk Andoy Ranay.
Naging emosyonal naman si Angelica sa ginawang sorpresa ng mga kaibigan niya.
Photo source: Instagram
Pinost naman ni Meryll ang ilang mga kuhang eksena mula sa kanilang masayang sorpresa para kay Angelica.
Nitong March 20, inannounce ni Angelica na ipinagbubuntis niya ang kanilang anak ni Gregg.
Silipin ang "beautiful friendship" nina Angelica at Glaiza sa gallery na ito: