GMA Logo Bayang Barrios, Glaiza De Castro
Photo by: glaizaredux and bayangbarrios (IG)
What's on TV

Glaiza De Castro, inspirasyon si Bayang Barrios sa kanyang 'Encantadia' OST rendition

By Kristine Kang
Published August 22, 2025 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Bayang Barrios, Glaiza De Castro


Labis din nagpapasalamat si Bayang Barrios sa patuloy na pagsuporta ng fans sa kantang 'Tadhana.'

Isa sa mga hinangaan ng fans kay Glaiza De Castro ay ang puso at dedikasyon niya sa kanyang karakter bilang Sang'gre Pirena.

Ngunit higit pa sa kanyang makapangyarihang pagganap, nag-iwan din ng marka ang Kapuso aktres sa pamamagitan ng musika.

Sa paglabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, muling nabuhay ang iconic theme song na “Tadhana” matapos itong kantahin nina Glaiza at ang original singer na si Bayang Barrios.

Ang espesyal na duet na ito ay nagbigay ng matinding kilig at nostalgia sa Encantadiks. Hindi lamang iyon dahil naghandog din si Glaiza ng isang orihinal na music piece na inspirasyon mula sa kanyang paglalakbay bilang Pirena.

Isa sa mga pinaghugutan niya ng emosyon sa paglikha ng kanta ay ang mabigat na eksena kung saan inagaw sa kanya ang Brilyante ng Apoy.

Sa isang panayam sa Unang Hirit, masayang ibinahagi ni Glaiza ang isa pang inspirasyon niya sa paggawa ng kanta.

"'Yung boses po ni Ms. Bayang Barrios, isa sa mga naging inspirasyon ko. Kasi for so many years, 'di ba ilang dekada na natin narinig 'yung boses niya and parang naisip ko lang na sundan 'yung sinimulan niya," ani ng aktres.

Samantala, labis din ang pasasalamat ni Bayang Barrios sa patuloy na pagsuporta ng mga tao sa Encantadia at “Tadhana.”

"Grateful sa mga lahat ng mga nagtangkilik at hanggang ngayon nandyan pa rin siya. 'Yung chanting kahit noong unang panahon ginagawa na ng mga katutubo at nandito siya, nakapasok sa mainstream," wika ng singer.

Kuwento pa ni Bayang, agad siyang na-excite nang mapakinggan ang bagong music piece ni Glaiza. Kaya't naging masaya siyang makipag-collab para sa panibagong version ng “Tadhana.”

Nagtapos ang kanilang panayam sa isang nakakabighaning live performance ng theme song at ang original piece ni Glaiza.

Panoorin ang kanilang live performance, dito:

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, balikan ang ilang behind-the-scene photos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre cast sa gallery na ito: