GMA Logo Glaiza de Castro
Photo source: @glaizaredux
What's Hot

Glaiza de Castro, ipinaliwanag ang mga notes sa kanyang custom pad paper barong

By Ron Lim
Published April 2, 2026 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG monitors nearly 125k passengers in ports on Maundy Thursday
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro


Kitang-kita ang matatag na samahan ni Glaiza de Castro at kanyang asawa na si David Rainey sa custom pad paper barong ni Glaiza.

Isang matamis na background story ang nasa likod ng custom pad paper barong na suot ni Glaiza de Castro kamakailan lang sa isang awards show.

Ibinahagi ni Glaiza ang istorya sa isang Instagram post kung saan makikita siyang suot ang custom pad paper barong sa Gawad Pilipino Babe Ka awards. Ayon kay Glaiza, ang barong ay inspired ng mga mensahe na ibinahagi sa kanya ng kanyang asawang si David Rainey over the years.

Sa caption, ibinahagi ni Glaiza na hilig ni David na mag-iwan ng mga hidden notes para sa kanya. Ibinahagi niya ang mga notes na ito sa designer na si Daryl Maat para makita kung ano ang pwede niyang gawin dito. Ayon kay Glaiza, ang barong na ito ay “reminder that simple things can bring so much joy.”

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Maliban sa mga notes na ito, may iba't ibang paraan sina David at Glaiza para iparamdam ang pagmamahal nila sa isa't isa simula noong ikasal sila noong 2021. Madalas bumiyahe ang mag-asawa. Binisita nila ang Scotland noong 2023 at binalikan ang Dunluce Castle kung saan sila kinasal sila noong 2021.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng romantic getaway sa Venice, Italy si Glaiza at David, isang biyahe na tinawag niyang “pure joy and the ultimate adventure.” Nagkaroon din ng picture-perfect London date si Glaiza at David sa parehong buwan.

Unang nakakilala sila Glaiza and David sa Siargao noong 2018 at ginawang official ang kanilang relationship noong September 2018. Naging engaged sila noong December 2020 at nagpakasal noong October 2021. The two of them had a Celtic wedding, as well as a beach wedding last January 2023.