Dahil sa epektibong pagganap ni Glaiza de Castro bilang Sang'gre Pirena sa iconic GMA telefantasya na Encantadia, nakatanggap siya ng isang liham mula sa isang bata na aminadong natatakot sa Kapuso actress.
Ibinahagi ni Glaiza sa kanyang Instagram account ang larawan ng liham na mayroong sulat-kamay ng isang bata.
"Dear Ate Glaiza, ang galing n'yo po umarte grabe nakakatakot kayo kapag umakting. Ang favorite part ko po ay 'yung umiiyak ka kasi nami-miss mo si Mira," saad sa mensahe na natanggap ng aktres.
Humingi naman ng patawad si Glaiza sa batang ito. Aniya, "Paumanhin kung natakot kita, ngunit salamat sa iyong liham. E correi deu, Sanggre Icay."
MORE ON 'ENCANTADIA':
WATCH: What you've missed from Encantadia's episode on January 4
WATCH: Glaiza de Castro's 'Enchanta' tutorial
EXCLUSIVE: Glaiza de Castro reacts to her audition video for 'Encantadia'