
Ramdam ang female power sa pagsabak nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla at Lauren Young sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, January 30.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show. Habang wala naman si Boobay ay uupo si Betong Sumaya bilang guest bluffer.
Paniguradong matinding kulitan ang mgagaganap dahil magtatagisan sa ganda at talino sina Glaiza, Kylie at Lauren.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!