GMA Logo Glaiza De Castro
What's Hot

Glaiza De Castro looks forward to becoming a mother

By Jansen Ramos
Published May 20, 2021 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singitan sa pagpasok ng mall parking lot sa Marikina, nauwi sa sakitan
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Glaiza De Castro: "Hindi lang naman 'yung career 'yung reality ko. May other side of life na hindi ko pa napupuntahan and I'm excited to be in that side and to be in that world na magiging nanay ka."

Aminado si Glaiza De Castro na malaki ang magbabago sa kanyang buhay kapag lumagay na sila sa tahimik ng kanyang Irish fiancé na si David Rainey.

Maingay at makulay ang nakagawian niyang buhay bilang artista kaya naman looking forward ang aktres sa haharapin niyang bagong yugto sa kanyang buhay--ang maging isang ina.

"Tinanggap ko na 'yun na talagang magbabago drastically pero hindi lang naman 'yung career 'yung reality ko.

"May other side of life na hindi ko pa napupuntahan and I'm excited to be in that side and to be in that world na magiging nanay ka," bahagi ni Glaiza sa panayam ng pocaster na si Lia Cruz.

Na-realize daw ni Glaiza na higit na importante ang role ng pagiging ina kaysa sa mga karakter na ginagampanan niya on-screen dahil ito ang realidad.

"Dati 'di ko pa masabi kasi 'di ko pa nararamdaman pero since nga no'ng na-engage ako, siguro parang nasa age na rin na ako, as a woman, fulfillment, 'di ba, ng isang babae na magkaanak.

"'Di naman tayo pare-pareho pero para sa akin, isa 'yun sa mga pangarap ko na magkaroon ako ng anak, na aalagaan ko siya and, of course, I have to step out of the limelight.

"I have to leave my work bilang actress kasi hindi naman 'yun 'yung identity ko."

Paliwanag pa ni Glaiza, "'Di naman ako si Glaiza na actress, 'yun 'yung work ko, oo, pero 'di 'yun 'yung nagde-define sa akin bilang tao."

SI David daw ang naging daan para mahanap ni Glaiza ang kanyang tunay na "identity."

Kuwento ng Kapuso star, "May isang beses kasi nag-usap kami ni David na parang may book s'ya na binasa no'ng time na 'yun, minimalism book, nasa Netflix din 'tong show na 'to.

"May isang topic do'n na what defines you? kasi 'pag sinabi sa 'yo 'to or 'what do you do?', ang instant na sagot mo I'm an actress.

"Parang 'di mo sinasabi na what do you do in life. Like, 'I'm a mother, I'm taking care of the sheep, farmer ako,' mga ganyan.

"Hindi typical na answer is work mo talaga pero kung ano 'yung ginagawa mo outside of your work."

Malaki raw ang naging epekto ng pandemya sa bago niyang pananaw sa buhay.

Patuloy ni Glaiza, "Kumbaga, pinag-usapan lang namin pero 'di ko pa siya naiintindihan until no'ng nag-pandemic na no'ng tinanggalan ako ng work.

"Kumbaga, iba na 'yung setup namin pagdating sa trabaho. Wala na 'yung studio, wala na 'yung every other day na taping, wala na 'yung mga mall shows, wala na 'yung mga gigs, 'yung mga ginagawa mo bilang artista, 'yung mga premiere nights.

"So ano ka na ngayon? Kung wala na 'yun lahat, sino ka na?

"Kung tapos na 'yung kontrata mo, ano na ang gagawin mo? 'Di ka na pwedeng maging artista.

"Do'n ko na-realize na there is another side to who I am na 'yun 'yung i-e-embrace ko at i-e-enjoy ko dahil mas nagkaroon ako ng time para mas ma-explore 'yun."

Na-engage si Glaiza kay David nang magbakasyon ang aktres sa hometown ng huli sa Ireland noong Disyembre 2020.

Tingnan ang ilang larawan nila rito: