What's Hot

Glaiza de Castro, masayang nakatanggap ng dalawang parangal sa magkaibang larangan

By Felix Ilaya
Published July 14, 2017 10:32 AM PHT
Updated July 14, 2017 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



We're proud of you, Glaiza!

Bakas ang ngiti sa mukha ni Glaiza de Castro nang makapanayam ng GMANetwork.com ang aktres sa YES! Magazine 100 Most Beautiful Stars issue launch last Tuesday, July 11.

 

@glaizaredux at the #yes100mostbeautiful party

A post shared by YES! Magazine (@yes_magazine) on


Ayon sa interview ni Glaiza, masaya raw ang aktres na muling mapabilang sa prestihiyosong list ng entertainment magazine.

"Every year, inaabangan ko talaga kung kasama ba ako sa list and natutuwa ako na this year kasama pa rin ako. Ang YES! naman very supportive ever since nag-start ako sa showbiz," wika niya.

Ano naman kaya sa tingin ni Glaiza ang rason kung bakit isa siya sa mga aktres na pasok sa 100 Most Beautiful Stars?

"Ang goal talaga namin sa trabaho namin ay mapagbuti 'to, kahit ano ang mangyari. 'Yun lang talaga 'yung focus namin, ang makapagbigay kami ng maayos na performance. Siguro na-recognize nila 'yon and I'm very honored na napahalagahan nila 'yung passion na binuhos namin sa every project namin."

Maliban sa pagiging parte ng 100 Most Beautiful Stars, may isa pang parangal na tinanggap si Glaiza earlier that day at iyon ay ang Gawad Dr. Pio Valenzuela Award, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng lungsod sa mga Valenzuelano.

Ani Glaiza, "Nakakatuwa kasi lumaki ako sa Valenzuela, doon ako pinanganak. To be recognized and to be given an award base doon sa visual and performing arts, talagang [nakaka-proud]." 

Binahagi rin ng aktres ang ilan sa mga sinabi niya sa kaniyang speech nang tanggapin ang award, "Actually, emotional ako, nag-prepare ako ng speech kasi nasabihan ako [about] the award. Sinabi ko roon kung ano 'yung nararamdaman ko na ang trabaho namin ay hindi lang para sa sarili namin kung 'di para sa ibang tao rin at ang pagbibigay ng pahalaga sa trabaho namin ay isang paalala na somehow mayroon kang ginawang kabutihan."

Congratulations sa iyong mga awards, Glaiza!