
Patindi na nang patindi ang mga action scenes sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Sa nakaraang linggo, sumabak na sa matinding labanan si Sang'gre Pirena, na ginagampanan ni Glaiza De Castro.
Sa kaniyang eksenang pagsagip sa huwad na Sang'gre, labis namangha at naaliw ang viewers dahil sa backflips at martial arts moves na ipinamalas ni Glaiza.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang behind-the-scenes clips ng intense fight scene laban sa mga tauhan ni Governor Emil (ginagampanan ng yumaong Ricky Davao).
Nagpasalamat si Glaiza sa mainit na suporta ng fans, at ibinahagi kung gaano kahalaga sa kaniya ang eksenang iyon.
"Seeing this specific scene for the first time na edited na with scoring simula nung ni-rehearse at shinoot namin siya last year was so nostalgic," sabi ni Glaiza sa captions.
Isa raw ito sa mga paborito niyang eksena, lalo na't kasama niya rito ang late veteran actor na si Ricky Davao.
"Ang daming memories talaga ang nag fa-flashback 'pag ako rin mismo nanonood," dagdag niya. "Isang trivia pala, itong pag backflip na naka harness ay first time kong ginawa sa buong buhay ko, kaya nahilo hilo ang ashti n'yo."
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Glaiza sa buong production crew at sa mga action experts na tumulong buuin ang kanilang nakakabilib na sequence.
Excited din ang aktres sa mga susunod pang laban ni Pirena sa serye.
"Anyway, na-e-excite rin ako next week dahil makaka usap na ni Pirena ang hadiya niya at masesermunan na niya ng masinsinan. Muli, avisala eshma sa inyong suporta," aniya.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: