GMA Logo Glaiza De Castro
Photo by: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Glaiza De Castro, may reaksyon sa viral clip ng asawa na nakatingin kay Maris Racal

By Aimee Anoc
Published February 7, 2026 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Francis Ceccarelli, ang Pinoy Winter Olympian sa Milano Cortina? | GMA Integrated Newsfeed
Idol Tiktok takes on the kitchen! | Farm to Table
#BasyangPH leaves 5 people dead in Iligan

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Dinepensahan ni Glaiza De Castro ang asawang si David Rainey mula sa mga basher sa nag-viral na clip kung saan nakatingin ito kay Maris Racal.

Nagbigay na ng reaksyon si Sang'gre actress Glaiza De Castro tungkol sa viral na clip ng asawang si David Rainey at ng aktres na si Maris Racal habang nasa premiere night ng MMFF film na Unmarry noong December 2025.

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (February 6) kasama ang kapwa Sang'gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, hindi pinalampas ni King of Talk Boy Abunda na hingin ang reaksyon ni Glaiza tungkol sa usap-usapang video ng asawa sa social media.

Sa nasabing video clip, nasa stage si Glaiza kasama ang asawang si David na nakatingin kay Maris habang nagsasalita.

Dumalo si Glaiza kasama ang asawa sa premiere night ng pelikula bilang suporta sa kanilang kaibigang si Angelica Panganiban.

Ayon kay Glaiza, ang una niyang naging reaksyon sa trending na clip ay ipinakita niya ito sa kanyang asawa.

"Sabi ko, 'You're trending.' Sabi niya, 'What? Bloody hell.' Gumanon lang siya... Actually, hindi po talaga siya sanay sa public," ani Glaiza.

Pagpapatuloy ng aktres, "It was so awkward kasi magkahawak po kami ng kamay habang papunta kami sa stage, so ang iniisip ko, 'Ano ba? Sabihin ko ba sa kanya na pupunta muna ako sa stage, ako muna, tapos mag-wait ka na lang.'

"Nu'ng time na 'yon parang wala na kong time mag-isip at mag-decide. So sinama ko na lang siya sa stage kasi pumunta naman kami do'n to support our friend, si Angelica.

"Tapos pinaakyat din si Maris, tapos nandu'n din si Kian. So, syempre, ang tendency ni David parang, 'Anong gagawin ko rito?' Hindi naman din po siya kinakausap, kumbaga, parang wala namang nagtanong sa kanya. Ang nagsalita nu'n si Kian, ako and, si Maris. So nu'ng time na nagsasalita si Maris, of course, tumitingin siya kay Maris. So iyon 'yung explanation."

Dagdag pa ni Glaiza, binasa niya ang mga comment at isa rito, "Oh my god, 'yung asawa mo Glaiza bantayan mo kasi may tendency siyang mag-cheat."

Sinabi rin ni Glaiza ang viral moment na ito ni David sa kanyang nanay at mga pamangkin, at hiningi ang kanilang reaksyon.

"Sinabi ko talaga sa mga pamangkin ko, sa nanay ko, 'Nay, tingnan n'yo oh, mayroong trending si David. Sasagutin ko ba na parang ang gagaling n'yong mag-imbento,' ganun. Gusto ko na talagang sumagot."

Pero, aniya, pinayuhan siya ng mga pamangkin na huwag na lamang itong pansinin.

"I didn't kasi, especially, po for David din, for David's sake. And sa mga pamangkin kong nagsasabi na, 'Huwag na, tita. Huwag na. Hayaan mo na 'yan,'" kuwento ni Glaiza.


Related content: IN PHOTOS: The relationship timeline of Glaiza De Castro and David
Rainey