
May halong ngiti at pagka-miss ang naramdaman ng Kapuso drama actress na si Glaiza de Castro nang makita ang throwback post ng dati niyang co-star na si Divine Tetay sa hit afternoon soap na Contessa.
Umere ang naturang drama series noong 2018 kung saan tampok sina Glaiza, Jak Roberto, Geoff Eigenmann at Lauren Young.
Sa Instagram post ni Divine, makikita ang groufie shot niya kasama sina Lauren, Jay Arcilla, Patricia Tumulak, at Karel Marquez.
Matatandaan na gumanap bilang kontrabida na si Daniella Imperial si Lauren. Leading naman ni Glaiza sina Jak at Geoff na nag-portray bilang sina Jong at Gabriel.
Sa comment section, nag-post si Glaiza at sinabing na “miss na miss” ang mga ka-trabaho sa naturang show.
Kasalukuyang napapanood si Glaiza sa afternoon soap na Nagbabagang Luha kasama sina Rayver Cruz, Mike Tan, Gina Alajar, at Claire Castro.