Article Inside Page
Showbiz News
They are the mother-daughter pair you'll soon see in the new Afternoon Prime series 'Dading.' What can Glaiza say about the newest Kapuso young star, Zarah Mae Deligero?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Hindi inaasahang nabuntis ang role ni Glaiza de Castro na si Beth sa Dading. Ipinagbubuntis niya ngayon ang baby girl na kapag lumaki ay gagampanan ng bagong child star ng GMA na si Zarah Mae Deligero.
First time makatrabaho ng aktres si Zarah Mae at ayon sa kanya, unang beses pa lang sila nagka-eksena ay na-amaze na siya sa kakayahan ng bata. Kakapasok pa lamang ng showbiz ng bata kaya’t nagtataka si Glaiza dahil parang beterano na ito pagdating sa acting.
Ikinuwento sa amin ni Glaiza ang first take nila ni Zarah Mae. “Noong nagka-eksena kami, wala pa kaming interaction noon. Ang eksena noon [ay] nagpe-pray lang kami. Tapos siya lang 'yung nagda-dialogue out loud. Kami, voice over lang,” aniya.
Dagdag niya, “Eh di sinabi niya 'yung lines niya. Tapos na-amaze kami kung paano niya dineliver 'yung lines niya. Hindi man lang nagfi-flicker 'yung mata o 'di man lang siya nahihirapan sa pagsasalita. Sobrang klaro 'yung lahat ng words ng dialogues niya.”
Dahil dito, sa tingin daw ni Glaiza ay hindi sila mahihirapan sa mga eksena kapag kasama ang bata. Siyempre nag-e-expect daw siya na mayroong adjustments na mangyayari dahil bago pa lang ang child star.
“Talagang inisip ko, magiging madali talaga 'yung mga eksena namin kasi ang laking tulong kapag 'yung mga katrabaho mo [ay] alam 'yung ginagawa nila,” pahayag ni Glaiza.
Isa pa raw na nagpapabilib kay Glaiza ay ang pagiging natural ni Zarah Mae. “Nakaka-deliver agad at tsaka nakakatuwa na 'yung acting niya [ay] very raw and very real. Hindi masyadong TV. Alam mo 'yung wala pa siyang perception kung ano 'yung standards. Kumbaga mayroon siyang [sariling] acting niya,” aniya.
Kumusta naman si Zarah Mae off-cam? “Hindi naman [siya mahiyain]. Hindi rin naman siya 'yung masasabi kong parang bibong-bibo. Tama lang which is good,” saad ni Glaiza.
Abangan si Glaiza de Castro bilang Beth at ang kanyang magiging anak na si Zarah Mae Deligero bilang Precious sa
Dading, pagkatapos ng
The Half Sisters on GMA Afternoon Prime.