
Sunod-sunod na beses nagningning sa dance floor si Glaiza De Castro kasama ang kanyang ka-duo na si JM Yrreverre sa Stars on the Floor.
Sa Instagram, hindi napigilan ni Glaiza na ibahagi ang kanyang paghanga sa husay ni JM matapos manalo muli bilang 7th top dance star duo noong Sabado, August 23.
Pinasalamatan ng aktres si JM at ang kanilang coach na si LA Bagtas para sa isang kahanga-hangang krump performance. Inamin din nito na nakakaramdam siya ng "pressure" sa bawat performance kada episode.
"Sa totoo lang kada episode na gagawin namin, hindi talaga ako halos makatulog dahil sa pressure. Lalo na ang husay ng ka partner ko," sabi ni Glaiza.
Ngunit, sa kanilang patuloy na pagsasama sa bawat performance, sabi nitong "blessing" na makasama si JM sa journey niya na ito.
Dagdag pa niya, "Nakakahawa ang dedication niya sa craft niya."
"Ramdam ko yung fire niya kaya siguro una ko pa lang siyang nakita nasabi ko na siya ang gusto kong makapartner," pag-amin nito.
Dahil sa dedikasyon ni JM, mas nagpursigi si Glaiza na itodo ang kanyang effort dahil "worth it" naman lahat ang paghihirap niya.
"Super happy that we won this episode pero hindi lang dito nagtatapos ang lahat. Abangan ang mga susunod na episodes dahil mas titindi pa ang collabanan sa @starsonthefloorgma," sabi nito.
Matatandaang nagwagi sina Glaiza at JM bilang 7th top dance star duo dahil sa kanilang nakakakilabot na krump performance nitong latest episode. Sila rin ang itinanghal na 6th top dance star duo sa kanilang pinakaunang challenge, kung saan nagpakitang-gilas sila sa isang emosyonal na performance gamit ang hagdan.
Samantala, balikan dito ang mga nagningning na top dance star duos sa Stars on the Floor: