GMA Logo Glaiza De Castro
PHOTO SOURCE: @glaizaredux
What's on TV

Glaiza De Castro, na-ospital dahil sa pagda-diet?

By Maine Aquino
Published April 11, 2024 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Inilahad ni Glaiza De Castro ang ginawa niyang diet nang ma-pressure sa pagganap sa isang role.

Nagpakatotoo si Glaiza De Castro sa pagkuwento na na-ospital siya dahil sa pagda-diet.

Inamin ito ni Glaiza nang sumabak siya sa hot seat ng Sarap, 'Di Ba? Ang video question kay Glaiza ay nagmula sa kanyang Encantadia co-star na si Gabbi Garcia.

Sina Glaiza at Gabbi ay gumanap bilang Pirena at Alena sa telefantasya series ng GMA Network na Encantadia noong 2016.

Tanong ni Gabbi, "Totoo ba na sa sobrang dedicated ni Glaiza, na-ospital siya dahil saba at itlog lang ang kinakain niya para maganda siya sa warrior outfit niya?"

Inilahad naman ni Glaiza ang nangyari noon at ang kanyang diet.

Ani Glaiza, "Noong nag-prepare po ako sa Encantadia 2016, ayun 'yung sobra kasing pressured ako noong mga panahon na 'yun. Kasi nga may warrior costume tapos ano siya e, may gagampanan kaming role na tumatak sa viewers. Parang big shoes to fill."

Dahil sa pressure sa pagganap na Pirena ay nag-desisyon siya na gawin ang diet na ito. Aminado rin ang aktres na hindi naging balanse ang kanyang diet kaya nauwi ito sa kanyang pagkaka-ospital.

Kuwento ni Glaiza, "Sobra 'yung workout ko tapos hindi ako masyadong nagka-carbs noon. So 'yung carbs ko is 'yung banana, saging na saba. May quinoa naman ako, ayun itlog, pero sa sobrang hindi balanse ang diet ko kasi palaging 'yun tapos nagwo-workout ako."

Panoorin ang kuwento ni Glaiza rito:

Samantala, magbabalik si Glaiza bilang Pirena at si Gabbi bilang Alena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre. Ang inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.

NARITO ANG STAR-STUDDED CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE'