GMA Logo Glaiza De Castro
Photo by: glaizaredux (IG)
What's Hot

Glaiza De Castro, naisuot na ang bagong warrior costume ni Sang'gre Pirena

By Aimee Anoc
Published April 30, 2024 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Ano ang naging reaksyon ni Glaiza De Castro nang maisuot na niya ang bagong warrior costume ni Sang'gre Pirena? Alamin rito:

Naisuot na ni Glaiza De Castro ang bagong warrior costume ni Sang'gre Pirena sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kuwento ni Glaiza kay Lhar Santiago ng 24 Oras, hindi niya naiwasang kiligin sa excitement sa pagbabalik bilang Sang'gre Pirena.

"Nakakailang taping days na rin po ako. Habang ginagawa namin 'yung mga eksena namin, saka ko binabalikan si Pirena. Ang maganda naman sa 'Sang'gre,' hindi mahirap balikan.

Ayon pa kay Glaiza, dumating din sa punto na naging emosyunal sila ni Bianca Umali nang malaman ang mga gagawin nilang eksena.

"Kagabi ipinakita sa amin ni Bianca ni Direk Mark [Reyes] 'yung ibang mga eksena, they put it all together. Naiyak kami kasi parang this time, masaya kami na na-continue ang legacy ng 'Encantadia,'" sabi ni Glaiza.

Nagsimulang sumalang si Glaiza sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang'gre noong Marso.

Makakasama ni Glaiza sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.

Magbabalik din sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Rocco Nacino mula sa Encantadia 2016.

Nasa serye rin sina Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.