
Nanood si Glaiza De Castro kagabi (November 11) sa KIA Theatre ng fan meeting ng Korean actor na si Park Hyung Sik.
Aniya, "I first noticed him in Hwarang. Alam ko nag-post ako nun at tinanong kung sinong cute 'yung pinapanood ko. At though nagagalingan ako sa kanya, hindi pa ako aggressive sa pag re-research sa kanya. Ewan ko ba, na discover ko nalang 'yung Strong Woman Do Bong-soon dahil sa may kinailangan akong ipost para sa @tribe_ph nun, tapos pinanood ko na. Tapos ayun, pinanindigan ko na siya."
Kasama rin ni Glaiza nanood ang 24 Oras reporter na si Aubrey Carampel. Dagdag pa niya, "Yung sumisigaw po ng I love you ay si @aubreycarampel bilang natutulala nalang talaga ako at wala akong magawa kundi manghampas sa kilig. Hindi ko kaya mag profess."
Kuwento naman ni Aubrey, "When you take fangirling to the next level... #ParkHyungSik @phs1116 is my ultimate crush! Siya 'yung Korean artist na sinabi ko sa sarili ko na pupuntahan ko sa Korea pag nagkaroon siya ng Fan Meeting. I was in Korea last July 2 (day of his FM) for work sabi ko sobrang coincidence nag-try ako bumili ng ticket, ubos na agad! Buti na lang pumunta siya dito sa Manila kaya alam ko sobrang happy ng mga PHS fans like me. Grabe mga beshie ang pogi niya at nahawakan ko siyaaaa!"
Si Park Hyung Sik ay currently napapanood sa GMA Heart of Asia bilang si Mikael sa Strong Girl Bong Soon.