GMA Logo Glaiza De Castro
SOURCE: GMA Public Affairs
What's Hot

Glaiza De Castro on her kontrabida roles: 'Trabaho lang talaga'

By Hazel Jane Cruz
Published December 6, 2024 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Isa ka rin ba sa mga nainis sa mga kontrabida characters ni Glaiza De Castro noon?

Isa si Kapuso star Glaiza De Castro sa mga pinakatinitingalang artista mula noon hanggang ngayon dahil sa kaniyang galing sa pagganap sa mga kontrabida roles.

Isa sa mga tumatak na karakter ni Glaiza ay si Sang'gre Pirena ng Encantadia. Bukod dito, hinangaan din ang pagganap niya kay Heidi 2012 GMA drama na Temptation of Wife.

Dahil sa kanyang husay sa pag-arte, hindi maiiwasang may mga maapektuhan at mainis sa kaniyang roles. Pero sa kaniyang kuwentuhan kasama sina Mikee Quintos at Kuya Dudut sa GTV cooking talkshow na Lutong Bahay, sinagot niya ang mga ito at sinabing “trabaho lang” ang kaniyang ginagawa.

“Hindi ko naman sinasadya 'yun na mainis ko 'yung mga tao, pero kasi 'yun 'yung intensiyon ng character ko,” sabi ni Glaiza. “Trabaho lang po talaga.”

“At dahil naman doon, na naiinis kayo, nagkaroon ako ng maraming trabaho. So thank you,” dagdag ni Glaiza.

Bukod sa mga manonood, aminado rin ang ina ni Glaiza na si Cristy Galura na nainis din ito sa role ni Glaiza bilang Pirena sa GMA fantasy series na Encantadia.

“Naapektuhan ako [kay Pirena]. Naiinis ako sa kaniya. 'Ano ba 'tong si Pirena,' sabi kong ganoon. Ang tapang-tapang…,” kuwento ni Cristy.

Ngunit sa kabila ng impact ni Glaiza sa showbiz, inamin niya na hindi talaga niya hilig ang pag-arte.

“Hindi talaga ako mahilig umarte; gusto ko talagang kumanta, pero 'yung pag-arte, everytime na may sasabihin na may taping, hindi talaga ako nakakatulog kasi iniisip ko siya,” kuwento ng aktres.

Dagdag nito, “Natatakot ako sa kaniya. Natatakot akong umarte.”

Samantala, muling mapapanood sa takilya si Glaiza sa upcoming girl love (GL) film na I Fell, It's Fine kasama ang kapwa GMA star na si Rhian Ramos na una niyang nakatambal sa GL series na The Rich Man's Daughter.

BALIKAN ANG IBA PANG MGA ICONINC ROLES NI GLAIZA SA GALLERY NA ITO: