
Tinuloy pa rin ni Glaiza de Castro ang plano niyang gumawa ng shirt kaugnay ng nakaraang teleserye niyang Contessa.
Ipinakita ni Glaiza sa kaniyang Instagram kamakailan ang isang sleeveless shirt kung saan nakasulat ang “Charito Imperial is real.”
Agad naman itong naintidihan ng mga sumubaybay sa dating afternoon soap na Contessa.
Si Charito Imperial ang isa sa mga pangunahing kontrabida sa buhay ni Contessa. Ito ay ginampanan ni Chanda Romero.
Sa caption, sinabi ni Glaiza na ang disenyo ng kaniyang sleeveless shirt ay isang paalala, “Yes, Charito Imperial is indeed real. If you guys don't have an idea who she is, ingat, baka umaaligid lang siya.”
Sa comments, makikita na tila aprubado ito ng veteran actress na si Chanda.
Samantala, isa ang Contessa sa Most Tweeted Teleseryes ngayong taon, ayon sa datos na inilabas ng Twitter Philippines kahapon, December 5.
Kabilang din sa Top 10 list na ito ang Kambal Karibal, Victor Magtanggol, at Sherlock Jr.
Teleseryes have always been part of the Pinoy lifestyle. @OfficialBagani became the most talked about Teleserye. While for the top loveteams, the Guinness title holder couple AlDub, composed of @aldenrichards02 and @mainedcm, maintained their #1 position.#ThisHappened pic.twitter.com/j2q8vPo6I6
-- Twitter Philippines (@TwitterPH) December 5, 2018