What's Hot

Glaiza De Castro, plano magdiwang ng Pasko sa Pilipinas kasama ang asawa

By Kristine Kang
Published December 15, 2025 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro, David Rainey


Glaiza De Castro sa kanilang Christmas plans: 'He's been looking forward'.

Ilang tulog na lang at malapit na ang makulay at masayang selebrasyon ng Pasko!

Maliban sa netizens, masayang naghahanda na rin ang ilang Kapuso stars para sa kani-kanilang holiday plans.

Isa na rito ang Encantadia Chronicles: Sang'gre actress na si Glaiza De Castro.

Sa panayam niya sa GMA Integrated News, ibinahagi ng Kapuso star na excited siyang ipagdiwang ang Pasko ngayong taon sa Pilipinas kasama ang kanyang asawang si David Rainey.

"Sabi ko, 'O this time, sa 'min naman.' He's been looking forward na makapunta sa Baler, makapag-relax sa beach and actually ako din it's been a while," kwento ni Glaiza.

Kamakailan ay naghandog din ng maagang pamasko sina Glaiza at David sa mga chronically ill children at kanilang mga pamilya sa tulong ng Kythe Foundation Inc. Nakilahok ang mag-asawa sa sayawan, kantahan, at kwentuhan upang magbahagi ng saya at inspirasyon.

"We've been actually chatting about this. We wanted to do something, we want to pay forward this year," ani Glaiza. "So masaya ako na makasama siya finally kasi siya rin in Ireland (and) in the U.K. gumagawa rin siya ng ganitong outreach program."

Samantala, patuloy na mapapanood si Glaiza bilang Pirena sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, tuwing weekdays, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Iboto rin ang superserye sa GMANetwork.com Awards 2025 bilang Kapuso Daytime and Primetime Drama Series of the Year.

Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.

Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso Countdown to 2026 ngayong December 31.

Silipin ang sweet London date nina Glaiza De Castro at David Rainey sa gallery na ito: