
Inalala ni Glaiza de Castro ang dati niyang role sa isa sa mga groundbreaking series ng GMA Network, ang The Rich Man's Daughter, sa guest appearance niya sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga kanina, July 21.
Tampok kasi sa naturang episode ang mga aktor na naging bahagi ng mga boy's love series, na naging patok sa mga manonood simula noong 2020.
Tinanong ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros si Glaiza kung papayag siyang maging bahagi ng girl's love series, agad na sagot ng aktres, "Actually, nagawa ko na siya, The Rich Man's Daughter, 2015 'yon noong nag-play ako ng femme, si Althea."
Ayon kay sa 33-year-old actress, itinuturing niyang "challenging" ang pagganap niya sa The Rich Man's Daughter, kung saan nakapareha niya si Rhian Ramos.
Aniya, "I think, it's one of the most challenging, pero sobrang sarap sa pakiramdam na role na ginawa ko.
"Katulad ng sinabi ni Genesis [Redido], you don't have to be part of the community to support the community. Kasi, mayroon din akong mga kamag-anak na part ng community."
Bukod dito, mas namulat din daw si Glaiza tungkol sa LGBTQIA+ community dahil sa dating GMA Telebabad series.
Sabi ng Nagbabagang Luha actress, "Playing Althea made me realize a lot of things na hindi ko alam noong hindi ko pa siya ginagawa, so mas naintindihan ko nang malalim.
"Ang nakakatuwa doon, maraming nag-e-mail sa akin na maraming naka-relate sa role ko. Sobra akong na-surprise na ang dami pala nila."
Maaaring mapanood ang full episodes ng The Rich Man's Daughter sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.
Panoorin ang kabuuan ng guest appearance ni Glaiza sa "Bawal Judgmental":
Dahil sa The Rich Man's Daughter, nabuo ang tinatawag na RasTro love team nina Glaiza at Rhian.
Samantala, narito ang ilang pang unexpected Kapuso Love Teams na nag-click sa mga manonood: