What's on TV

Glaiza de Castro sa pagganap bilang Pirena: "It's a big responsibility"

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 20, 2020 1:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Nape-pressure ba si Glaiza sa pagganap bilang Pirena?
 

A photo posted by @glaizaredux on

 

Sa pagbisita ng mga Sang'gre sa Sarap Diva, nakausap ni Regine Velasquez si Glaiza de Castro tungkol sa kanyang mga nararamdaman sa pagganap bilang Pirena sa bagong Encantadia.

LOOK: Mga Sang'gre ng 'Encantadia,' binisita si Regine Velasquez

Ayon sa aktres, nabigyan siya ng isang malaking responsibilidad sa role na Pirena.

Aniya, "It's a big responsibility 'tsaka knowing na ang huhusay din nung mga aktor na gumanap dito. 'Di ba hindi mo maiiwasan maikumpara ka eh. Pero siyempre instead na ma-feel namin 'yung tension, 'yung pressure, we feel na blessing 'to para sa amin. Not just as actors, pero bilang tao na sinubaybayan ko rin 'to eh. Kumbaga, isa 'to sa mga pinakatumatak sa telebisyon."

READ: Glaiza de Castro, itinakda nga bang maging si Pirena ng 'Encantadia?'

Inamin ni rin ni Glaiza na may kaba siyang nararamdaman sa role na ito dahil titingalain rin sila bilang role model ng mga kabataan.

Kuwento ni Glaiza, "Siyempre 'di ba nakakakaba kasi magkakamali't magkakamali ka pa rin naman eh.

"Pero magandang blessing nga 'yun, magandang responsibility kasi kapag naman gumawa ka ng tama, maganda rin naman 'yung ibabalik sa 'yo. Tama rin naman 'yung ibibigay sa 'yo. So magandang batayan 'yun ng buhay," pagtatapos niya.

MORE ON GLAIZA DE CASTRO:

LOOK: Glaiza de Castro meets the original Sang'gre Pirena Sunshine Dizon

LOOK: Glaiza de Castro and Sanya Lopez in their 'Encantadia' training suits