
Nasa ikalawang linggo na ngayon sa mga sinehan ang GL o girls' love film nina Glaiza De Castro at Rhian Ramos na I Fell, It's Fine.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, sinabi ni Glaiza na sa tingin niya ay "meant talaga" ang pagbabalik-tambalan ng RaStro, o love team nila ni Rhian.
Unang nagtambal sina Glaiza at Rhian sa 2015 GMA series na The Rich Man's Daughter bilang lesbian lovers.
"I think, meant talaga na mag-reunion kami. Kasi after The Rich Man's Daughter, nagsama rin kami sa iba't ibang klaseng shows and mga series, guestings, so parang hindi napuputol 'yung connection. 'Yun nga 'yung sinasabi namin na parang nandyan pa rin siya, hindi siya nawawala," sabi ni Glaiza.
Bukod sa kanilang pelikula ngayon, magkasama rin sina Glaiza at Rhian sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre pero hindi bilang lovers kundi magkalaban na sina Pirena at Mitena.
Samantala, ibinahagi rin ni Glaiza ang excitement para sa bagong pelikulang gagawin.
"May isang pelikula rin akong gagawin soon. So excited kasi isa 'to sa mga masasabi kong malaking proyekto ko this year," aniya.
Bukod dito, sa kauna-unahang pagkakataon ay magiging bahagi rin siya ng isang theater play. Sabi niya, "Ang tagal ko nang gusto na subukan 'yung teatro and I was given the perfect timing and opportunity to do it finally."
Related content: Thai GL love teams that are serving major kilig vibes