GMA Logo Glaiza De Castro
What's Hot

Glaiza De Castro shares what it's like to live alone during her battle with COVID-19

By Jansen Ramos
Published April 27, 2021 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Glaiza De Castro on her own ordeal with COVID-19: "Oo ang dami naming nasa building na 'yun. Ang dami kong kapitbahay pero ni isa do'n, wala akong makausap."

Kamakailan lang ay pumutok ang balitang tinamaan ng COVID-19 si Glaiza De Castro.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, asymptomatic si Glaiza at kinailangan niyang mag-self isolate ng dalawang linggo.

Nanatili si Glaiza sa kanyang condo unit habang nagpapagaling sa sakit at sa kabutihang palad ay naka-recover din.

Buong buhay ni Glaiza ay kasama niya ang kanyang mga magulang at ito marahil ang unang beses na namuhay siyang mag-isa.

Sa episode nine ng podcast ni Lia Cruz na 'What Glass Ceiling,' ibinahagi ng aktres ang mga pinagdaanan niya habang nagpapagaling mula sa COVID-19 habang malayo sa pamilya niya.

Kuwento ni Glaiza, "Sabi ko ang hirap pala na mag-isa ka lang talaga.

"Parang all the while, ito 'yung gusto kong mangyari na mag-isa 'ko na magkaroon ako ng space, 'yung ganun na walang magba-bother sa 'kin, na wala ako na kahit anong susundin.

"Parang ang ironic nga e. For a while, masaya s'ya kasi magse-setup ka ng lugar mo the way you want it to be tapos 'yung time talagang nasa 'yo lang.

"May time na kinausap ko 'yung sarili ko na kaya ko ba na ganito ako nang matagal na ilang beses pa.

"So tumawag ako sa nanay ko. Sabi ko talaga, 'Nay 'di ko kaya na tumira sa isang building. Ayoko tumira sa building.'"

Pagpapatuloy ni Glaiza, "'Di ko pala kaya na mag-isa 'ko tapos malayo 'yung pamilya tapos hindi ako makalabas ng bahay na, oo ang dami naming nasa building na 'yun. Ang dami kong kapitbahay pero ni isa do'n, wala akong kausap."

Sa puntong iyon, napagtanto ni Glaiza ang value ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

"So na-appreciate ko 'yung mga kaibigan ko na tumatawag sa 'kin.

"Na-appreciate ko lalo 'yung parents ko, 'yung mga kapatid ko na kinakamusta ako kasi napaka importante no'n na kahit sabihin mo pang nakuha mo 'yung freedom na 'yun, hindi mo masabi na kaya mo on your own.

"Laging may times na hahanapin mo 'yung times na pinapagalitan ka, whether kaibigan mo 'yan, kasi magkakamali at magkakamali ka."

Pakinggan ang kabuuan ng podcast dito:

Maliban kay Glaiza, ilang celebrities at personalities din ang tinamaan ng COVID-19 tulad nina Michael V., Rhian Ramos, Howie Severino at Iza Calzado.

Alamin kung paano nila nalagpasan ang sakit sa gallery na ito: