
Isang "love square" ang magaganap sa Dear Uge ngayong Linggo, November 15.
Sampung taon pinaghandaan ni Lorie (Glaiza De Castro) ang pagsabi kay Jake (Mikael Daez) ng tunay niyang nararamdaman para sa kanya.
Ngunit bago pa malaman ni Jake ang lahat ng ito, balak na pala ni Jake na mag-propose sa kanyang bagong girlfriend na si Bella (Kelley Day).
Dahil dito, planong bawiin ni Lorie si Jake kay Bella by being the “perfect girl” para kay Jake.
Tutol naman ang business partner ni Lorie na si Barry (Gil Cuerva) sa kanyang mga plano. Isa raw itong "recipe for disaster".
Ayon kay Lorie, di raw alam ni Barry ang pakiramdam na maging stuck sa “friendzone.” Ang hindi lang alam ni Lorie ay in-love pala sa kanya si Barry.
Sundan ang kuwentuwaang ito sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, November 15.