GMA Logo Encantadia Chronicles Sang'gre actress Glaiza De Castro
Photo by: dongdantes (IG)
What's on TV

Glaiza De Castro, tinawag na Pirena ni Dingdong Dantes bago pa mapasama sa 'Encantadia' 2016

By Aimee Anoc
Published May 9, 2025 6:02 PM PHT
Updated May 16, 2025 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man nabbed for illegal sale of firecrackers in Davao City
Man nabbed for illegal sale of firecrackers in Davao City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sang'gre actress Glaiza De Castro


"Everytime na nakakasalubong niya ako, sinasabihan niya ako na 'Pirena, Pirena...' Tapos ako naman parang, 'Ha, bakit?'" - Glaiza De Castro

Binalikan ni Glaiza De Castro ang biro sa kanya noon ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes kung saan tinatawag na siya nitong Pirena bago pa man siya mapasama sa reboot ng iconic series na Encantadia noong 2016.

Kuwento ni Glaiza, noong unang umere ang Encantadia, dalawampung taon na ang nakalilipas, ay nagsisimula pa lamang siyang mag-artista.

"Syempre naririnig ko na 'yung Encantadia, pero hindi ko ini-expect na ilang years after makakasama ako sa isang epic na series at magiging isa pa ako sa mga tagapangalaga ng brilyante. Until now hindi pa rin ako makapaniwala," sabi ni Glaiza.

Pagpapatuloy niya, "So, every week nasa GMA ako to rehearse and to do that variety show. E, part din si Dingdong Dantes nung show na 'yon nu'ng time na yon. Parang every time na nakakasalubong niya ako, sinasabihan niya ako na 'Pirena, Pirena.' Kasi 'di ba part siya ng Encantadia 2005, siya si Ybarro.

"So, parang siguro nabalitaan niya na, naririnig niya 'yung pangalan ko tapos ako naman parang, 'Ha, bakit?' Tapos parang lagi ko siyang ginaganun, 'Hindi 'yan, hindi 'yan.' Kasi wala naman akong naririnig na kahit na anong even invitation to audition or interested ba ako to be part of it.

"Pero, siyempre, at the back of my mind parang iniisip ko, 'Shocks, sana nga totoo. Sana nga totoo,' dagdag niya.

Binalikan din ni Glaiza ang pagkakataon na naisuot niya ang iconic costume ni Pirena, na ginamit ng OG Sang'gre na si Sunshine Dizon noong Encantadia 2005.

"And then, ito pa 'yung isa sa hindi ko makakalimutang ginawa ko for 2016. Sinuot ko 'yung classic, iconic warrior costume ni Pirena--OG Pirena, Ms. Sunshine Dizon.

"Alam ko na matagal na 'yung nasa second floor ng GMA 'di ba, sa exhibit, pero kinuha siya roon e tapos pinasuot siya sa akin. So, kahit na matagal siyang nakakulob, alam mo 'yung... 'Hindi, I can feel Pirena's energy.'

"Alam ko nag-picture ako no'n tapos hindi ko lang malabas siyempre dahil confidential. Pero, to be able to wear that iconic costume, sobrang saya at sobrang unforgettable," kuwento ni Glaiza.

Noong Encantadia 2016, bumida si Glaiza bilang Pirena, na tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy. Nakasama niya rito sina Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, at Sanya Lopez bilang Danaya.

Abangan ang pagbabalik ni Glaiza De Castro bilang Pirena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.

Panoorin ang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA EKSENANG IPINASILIP SA BAGONG TEASER NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: