Celebrity Life

Glaiza de Castro, tinulungang abutin ang pangarap ng dating 'Grazilda' co-star na si Angelica Nicole Sanoy

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Sa tulong ng 'Wish Ko Lang,' nagkaroon ng pagkakataon na sorpresahin ni Glaiza si Angelica.

Sa dating programa na ?Grazilda, unang nagkasama sina Glaiza de Castro at ang dating child star na si Angelica Nicole Sanoy.

Sa tulong ng Wish Ko Lang, nagkaroon ng pagkakataon na sorpresahin ni Glaiza si Angelica.
 

 

Sa mga pamilyar sa Grazilda, naalala niyo pa ba si Jikjik? Ito na siya ngayon at dalaga na! Ang bilis ng panahon. Kaya tutugma kami, sasabayan namin ng malaking pagbabago! Abangan :)

A photo posted by ???? (@glaizaredux) on



 

I am truly blessed to have you in my life... @glaizaredux

A photo posted by Angellie Nicholle Sanoy (@angellienicholle15) on



Isa sa mga iniregalo ni Glaiza ay ang enrollment certificate ni Angelica sa Repertory Philippines para makapagsimula na siya sa kanyang pag-aaral sa April.

Bukod kay Glaiza, dumating rin si Aljur Abrenica na nagbahagi ng kanyang working relationship with Angelica sa programang The Last Prince. Ilan pang regalo ang dumating kay Angelica, kasama na rito ang isang management contract at ilang shows na kanyang sasalihan sa GMA.

"Thank you, kasi hindi ko po ini-expect" pahayag ng dating child star kay Glaiza.

Pagpapatuloy ni Angelica, "Ate Glaiza, ikaw 'yung superhero ko. Hindi sapat 'yung salamat na 'yun, Ate."

"Gusto ko lang sabihin sa 'yo na mahal kita, mahal ka namin, maraming nagmamahal sayo." Sagot ni Glaiza kay Angelica.

Tinanong ni Vicky Morales si Glaiza kung ano ang kanyang pakiramdam na natulungan niya ang kanyang dating co-star.

Sagot ni Glaiza, "nakaka-hero. 'Yung pagtulong pala hindi lang sa salita, kailangan mo siyang gawin. Kapag sinabi mo na gusto mong tumulong, hindi natatapos sa isang gawa. Maraming gagawin talaga."

Kuwento ni Glaiza ibinabalik niya lamang ang tulong dahil siya ay dumaan rin sa panahon na kinailangan niya ng tulong ng ibang tao.

"Ginawa ko 'to dahil marami ring tumulong sa akin. Gusto ko lang din ipasa sa inyo 'yung mga ginawa nila para sa akin. Sana 'yun din 'yung gawin mo kapag na-reach mo na 'yung goal mo at na-fulfill mo na 'yung purpose mo. Huwag na huwag kang makakalimot na tumulong sa ibang tao."

Panoorin ang kabuuan ng kuwentong ito:

Video courtesy of GMA News