GMA Logo Glaiza de Castro and Lexi Gonzales
Source: delosreyesjason, kurtandreir, darylmaat via glaizaredux (IG), lalexigonzales (IG)
What's Hot

Glaiza de Castro, todo-suporta sa 'PBB' journey ni Lexi Gonzales

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 26, 2026 4:32 PM PHT
Updated November 26, 2026 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate panel deliberates on proposed 2027 budget for Judiciary, gov’t agencies, and Congress (Nov. 27, 2026) | GMA News
26 ka Sunog sa Dakbayan sa Sugbo sa Nobyembre, Girespondehan sa BFP-Cebu City | Balitang Bisdak
Vietnamese airline offers Black Friday deals

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro and Lexi Gonzales


Glaiza de Castro, excited sa panibagong reality show journey ng kaibigang si Lexi Gonzales sa Pinoy Big Brother.

Labis ang kasiyahan at pananabik ng Amir star na si Glaiza de Castro sa pagpasok ng kaniyang malapit na kaibigan at kapwa Kapuso actress na si Lexi Gonzales bilang bagong housemate sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.

Unang nagkasama sina Glaiza at Lexi sa reality competition ng GMA Network na Running Man Philippines noong 2022. Kamakailan lamang, noong Linggo, Nobyembre 22, opisyal nang ipinakilala si Lexi bilang isa sa mga bagong housemate at pumasok sa Bahay ni Kuya.

Sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com, ipinahayag ni Glaiza ang kaniyang buong suporta at kagalakan sa panibagong yugto na tatahakin ng kaibigan sa isa na namang reality show.

Ayon sa aktres, magandang pagkakataon ito upang mas makilala ng publiko ang masigla at masayahing personalidad ni Lexi.

“Sobra akong excited sa kaniya. Masasabi ko na mas makikilala siya ng tao rito talaga bilang bubbly girl. Ever since naman talaga, si Lexi ay napaka-bubbly na tao,” ani Glaiza.

Bukod sa pagiging masayahin, binigyang-diin din ni Glaiza na maipamamalas ni Lexi ang kaniyang maturity, na hindi madalas nakikita ng publiko.

“There's also a maturity in her na hindi rin laging nakikita ng tao. I hope na makita 'yon dito sa PBB,” pahayag pa niya.

Labis din ang paghanga ni Glaiza sa tapang at pagiging independent ng kapwa aktres, lalo na ngayong mas nagiging mature na ito.

“Nakakahanga rin si Lexi sa mindset na meron siya at sa pagiging independent niya, especially now that she's becoming more of an adult,” dagdag pa ni Glaiza.

Sa pagtatapos ng panayam, isang maikli ngunit taos-pusong mensahe ang ipinaabot ni Glaiza para sa kaibigang nasa loob na ngayon ng Bahay ni Kuya: “Good luck, Lexi!”

Kasabay ni Lexi na ipinakilala at pumasok bilang mga bagong housemate sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 sina Eugene Reggio, Race Matias, Victoria Vargas, at Yza Uy.

Huwag palampasin ang mga susunod na kaganapan sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.

Mapapanood ito sa GMA at Kapuso Stream, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m.; tuwing Sabado, 6:15 p.m.; at tuwing Linggo, 4:55 p.m.

Samantala, mapapanood naman si Glaiza sa Amir, kung saan makakasama niya ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at ang child star na si Argus Aspiras.

Kabilang din sa cast ang ilan pang mahuhusay na bituin sa industriya tulad nina Will Ashley, Heath Jornales, Joel Saracho, Ronnie Lazaro, Mon Confiado, at marami pang iba.

Ang Amir ay nasa ilalim ng malikhaing direksyon ng award-winning director na si Zig Dulay, ang direktor sa likod ng mga kinilalang Kapuso MMFF entries na Firefly at Green Bones.

Isinulat naman ang screenplay ng batikang manunulat na si Ricky Lee, katuwang si Anj Atienza, batay sa orihinal na kuwento ni Ian Simbulan.

Related Gallery: Meet the Five New Housemates of 'Pinoy Big Brother Collab 3.0'