GMA Logo Glaiza de Castro, Angelica Panganiban friendship
Source: glaizaredux (IG)
Celebrity Life

Glaiza de Castro, unang ibinalita ang pagbubuntis sa kaibigang si Angelica Panganiban

By Kristian Eric Javier
Published September 14, 2026 8:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Polling precincts begin transmitting ERs for BARMM polls
What We Know So Far, Matan-aw na | Balitang Bisdak
Philippine Travel Mart showcases the best of the country

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro, Angelica Panganiban friendship


Hindi rin makapaniwala ang amiga ni Glaiza de Castro na si Angelica Panganiban sa 'good news' nito.

Isang espesyal na sandali para kay Glaiza de Castro nang malaman niyang buntis siya sa kauna-unahan nilang anak ng asawang si David Rainey. At isa sa mga unang nakaalam ng magandang balita na ito, ang kaniyang “amiga” at kapwa aktres na si Angelica Panganiban.

Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Lunes, September 14, inamin ni Glaiza de Castro na hindi kaagad nag-sink in sa kaniya na buntis na siya. Sa katunayan, nakalimang pregnancy tests pa nga ang aktres bago niya napaniwala ang sarili.

“I was delayed mga siguro one week. And hindi nangyayari 'yun usually, siguro mga isang araw, dalawang araw kasi I was really keeping track, e. And then parang nandiyaan lang siya, nu'ng lumabas 'yung resulta na nag-positive, may dalawang linya, tapos parang tinitignan ko lang tapos nandu'n lang ako sa kama ko, 'Totoo ba 'to?'” sabi ni Glaiza.

Una niyang ipinaalam sa asawang si David, na nasa Ireland noong mga panahon na iyon, para sa isang family trip. At dahil nang gabi ding iyon na nalaman niyang buntis siya ay may dinner sila ni Angelica, wala umanong choice si Glaiza kundi ipaalam sa kaibigan.

Ang unang reaksyon ng kaniyang kaibigan, “Napamura siya!”

TINGNAN ANG MAGANDANG PAGKAKAIBIGAN NINA GLAIZA AT ANGELICA SA GALLERY NA ITO:


Ani Glaiza, hindi naman niya direktang sinabi kay Angelica. Nakakuha lang ito ng ideya nang tumanggi siyang uminom ng wine.

“So nag-drive ako papunta sa place niya, may hinanda na siyang pagkain, may hinanda na siyang mga wine, ganiyan. Kasi siyempre 'pag nagpupunta kami, isa sa mga bonding 'yan,” sabi ni Glaiza.

Pagpapatuloy ng aktres, “Sabi ko, 'Hindi ako iinom.' 'Yun na, sobrang lakas niyang makaramdam. So parang du'n pa lang na sinabi kong 'Hindi ako iinom,' 'Bakit?' tapos kumakain siya. 'Buntis ka?' So sa mga revelation po ng pagbubuntis, ang common denominator nu'ng reaksyon namin ay pagfi-freeze.”