GMA Logo glaiza de castro and claire castro
What's on TV

Glaiza De Castro wins hearts in 'Nagbabagang Luha' pilot episode

By Jansen Ramos
Published August 2, 2021 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

China not a 'benign, cuddly panda' in WPS disputes — PH envoy
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro and claire castro


The "ulirang ate award" goes to Glaiza De Castro.

Nagsimula na ang pinakabagong GMA dramang Nagbabagang Luha ngayong Lunes, August 2.

Pinagbibidahan ito nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz, kasama ang baguhang artista na si Claire Castro.

Maganda ang naging pagtanggap ng viewers sa pilot episode ng Nagbabagang Luha na trending din sa Twitter ngayong araw.

Higit namang naging laman ng popular microblogging site ang bida na si Glaiza na gumaganap bilang Maita.

Para sa ilan, kaabang-abang ang role ng award-winning actress na nakilala sa kanyang iconic TV roles na Pirena, Althea at Grazilda.

Sa unang episode ng Nagbabagang Luha, na-establish ang pagiging protective sister ni Maita sa nakababatang kapatid na si Cielo, ang karakter na ginagampanan ni Claire.

Marami ang nag-post ng eksena nina Maita at Cielo sa swimming pool kung saan nagpanggap na nalulunod si Cielo, bagay na kinagiliwan ng mga manonood.

Dito ay nakita ang pagiging pasensyosa ni Maita sa pasaway na kapatid.

Ayon sa isang tweet ni @restreau, kung may bibigyang man daw ng "ulirang ate award" ay mapupunta ito sa karakter ni Glaiza.

Ma-swerte raw si Cielo na magkaroon ng sweet sister tulad ni Maita, ayon sa Twitter user na si @CutieAngelMo.

Para naman kay @_xxorr_aii, ang prank ni Cielo kay Maita ang isa sa mga tumatak na eksena sa unang episode ng Nagbabagang Luha.

Inabangan din sa Nagbabagang Luha ang unang pagtatambal nina Glaiza at Rayver.

Napanood ang nakakakilig na patagong relasyon nina Glaiza at Rayver bilang Maita at Alex. Si Maita ay manager ng resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Alex.

Awa naman ang naramdaman ng viewers para kay Maita nang ipakilala ng ina ni Alex na si Mrs. Montaire (Gina Alajar) ang future wife ng binata at future daughter-in-law na si Judy (Myrtle Sarrosa).

Basahin ang ilang reaksyon ng netizens sa nasabing eksena rito:

Nag-flashback pa sa isang manonood ang previous character ni Glaiza na si Althea sa The Rich Man's Daughter. Maihahalintulad daw si Maita kay Althea na hindi welcome sa pamilya ng nobyang si Jade (Rhian Ramos).

"Althea at Maita - mahirap ipakilala sa magulang.

"Pighati," tweet ni @galwellgirl.

Nagpasalamat naman si Glaiza sa mga nanonood ng pilot episode ng Nagbabagang Luha.

Ang Nagbabagang Luha ay mula sa direksyon ni Ricky Davao.

Mapapanood ang GMA Afternoon Prime series mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood ang mga programa overseas.

Samantala, narito ang iba pang karakter ni Glaiza sa telebisyon na minahal ng marami: