
Thankful si Glaiza De Castro dahil natapos din ang kanilang taping para sa upcoming afternoon series na Nagbabagang Luha sa kabila ng pandemya.
Sa Instagram, ipinost ng aktres ang ilang larawan mula sa kanilang last taping day ngayong Huwebes, July 15, sa isang resort sa Laguna.
Dito suot ni Glaiza at co-stars niya ang personalized T-shirt na pinagawa niya na may naka-print na 'Nagbabagang Taping.'
Sulat niya sa caption, "Last day taping ganap. First show na natapos ko during pandemic. Medyo nakakapanibago, pero sobrang saya na I was able to work with such amazing people. From actors to production team and resort staff, ang gaan ng pakiramdam. Maraming maraming salamat sa tawa at pagdamay sa mga iyak. Hanggang sa muli!
"So excited for you guys to finally watch #NagbabagangLuha on GMA afternoon Prime sa August 2 na."
Maging ang production staff ng Nagbabagang Luha at staff ng resort kung sila nag-taping ng halos isang buwan ay nakatanggap din ng T-shirt mula kay Glaiza bilang souvenir.
Sa kanya-kanyang Instagram Story ni Glaiza at kanyang co-stars na sina Rayver Cruz at Mike Tan, makikitang nagkukulitan sila sa kanilang huling araw ng taping na nagkaroon ng dalawang cycle.
Idinaan din nila ang kanilang "pack-up" celebration sa isang TikTok dance kasama sina Gina Alajar, Myrtle Sarrosa, at Karenina Haniel. Dito sinayaw nila ang 2005 hit house music na "Ever After."
@xxglaizareduxx Last day of taping kaya may pa last dance. Abangan niyo po ang ##NagbabagangLuha on GMA Afternoon Prime sa August 2 na :)
♬ Ever After - Ceejay Laqui
Ipinasilip pa ni Mike ang kanilang kulitan ni Rayver na karibal niya kay Glaiza sa Nagbabagang Luha. Dito biglang hinalikan ni Rayver si Mike matapos magbitiw ng mga salita sa isang dramatic scene.
"Sabi na ako talaga ang nasa puso mo at hindi si Maita," birong sabi ni Mike, na gaganap bilang Bien, kay Rayver, na gaganap bilang Alex.
Ipinapakilala sa Nagbabagang Luha si Claire Castro na magbibigay-buhay kay Cielo, ang nakababatang kapatid ni Maita, na gagampanan ni Glaiza.
Sa kanyang latest Instagram post, in-character ang mga larawan ng 22-year-old actress. Seductive si Claire at expressive ang mga mata, bagay na nakatulong para makuha niya ang role bilang Cielo na orihinal na ginampanan ni Alice Dixson.
Isa rin sa mga magpapa-init ng hapon ang hunk actor na si Royce Cabrera. Bukod sa magandang pangangatawan, bentahe rin ni Royce ang kanyang good looks at patunay diyan ang mga selfie niya on the set.
Tampok din sa serye sina Alan Paule, Archi Adamos, Ralph Noriega, Bryan Benedict, at Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose sa isang espesyal na pagganap.
Ang Nagbabagang Luha ay pinangungunahan nina GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, VP for Drama Redgie A. Magno, AVP for Drama Cheryl Ching-Sy, Senior Program Manager Redynn Alba, at Senior Executive Producer Winnie Holis-Reyes.
Ang creative team ng bagong GMA drama ay binubuo nina creative director Aloy Adlawan; creative head for afternoon block RJ Nuevas; creative consultant Des Garbes- Severino; head writer Rona Lean G. Santos; writers Renato Custodio Jr., Maria Zita Garganera, Kenneth, Angelo C. Enriquez, Liberty L. Trinidad, at Loi Argel Nova.
Kasama ang second unit director na si Phillip Lazaro, ang Nagbabagang Luha ay mula sa direksyon ni Ricky Davao.
Narito ang pasilip sa kanilang lock-in taping: