
Mapapanood na sa Philippine television ang Korean series na kinakiligan at naging sensation worldwide, ang The Lovely Runner, na pinagbibidahan ng phenomenal duo na sina Byeon Woo-seok at Kim Hye-yoon.
Kinilala bilang Best K-drama of 2024 ng Time Magazine at Program of the Year ng KAA (Korea Advertisers Association) Awards, simula ngayong Lunes, June 23, mapapanood sa GMA ang The Lovely Runner.
Kuwento ito ng fan girl na si Sol (Kim Hye-yoon) na nakabalik sa nakaraan at susubukang baguhin ang present para mailigtas ang idol niyang si Sandro (Byeon Woo-seok) at mabago ang kapalaran nito.
Makakasama rin nila sa serye sina Song Geon-hee bilang Tyrone at Lee Seung-hyub bilang Ian.
Abangan ang The Lovely Runner ngayong June 23, 5:10 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI BYEON WOO-SEOK SA GALLERY NA ITO: