What's on TV

Gloc-9 and Lirah Bermudez collaborate in Yagit’s OST 'Basta’t Kasama Ka'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 27, 2020 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 18, 2025
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Umamin si Gloc-9 sa GMANetwork.com na isa siyang fan ng hit series noon na 'Mga Batang Yagit'. Kaya naman nang i-offer sa kanya ang pagsulat ng theme song ng remake nito ay hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Umamin si Gloc-9 sa GMANetwork.com na isa siyang fan ng hit series noon na Mga Batang Yagit. Kaya naman nang i-offer sa kanya ang pagsulat ng theme song ng remake nito ay hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

“Since lagi ko siyang (Mga Batang Yagit) pinapanood noon, may idea na talaga ako kung ano 'yon and 'yung feeling noong characters lalo na ng lead characters na mga bata,” pahayag ni Gloc-9.

Nagulat daw si Gloc-9 sa kinalabasan ng Basta’t Kasama Ka dahil kahit na kaunting panahon lang ang inilaan niya rito ay maganda pa rin ang quality ng kanta.

Ikinuwento sa amin ni Gloc-9 kung gaano niya kabilis ginawa ang theme song ng Yagit. Aniya, “Nalaman ko on a Wednesday night na I need to write the song. Tapos hindi ko siya kayang gawin ng Thursday dahil mayroon akong trabaho so hindi ko siya magawa. Ginawa ko siya ng Friday night kasi recording ko na ng Saturday.”

“Ito 'yung song na nakakatuwa dahil kahit kaunting oras lang ang mayroon ako to write the song, hindi mukhang minadali and hindi mukhang pinilit,” dagdag pa ng rapper.

Ayon kay Gloc-9, melody pa lang daw ng kanta ay na-imagine na niyang si Protégé Season 1 finalist Lirah Bermudez ang kumakanta nito.

“'Yung songs kasi na ginagawa ko, pinapakinggan ko talaga siya ang iniisip ko rin kung kanino siya babagay. And ito 'yung second song namin ni Lirah na magkasama kami,” pahayag ni Gloc-9.

Sa mga hindi pa naririnig ang theme song ng Yagit na Basta’t Kasama Ka, narito ang few lines na kinanta mismo nina Gloc-9 at Lirah.


Abangan ang downloadble mp3 ng Basta't Kasama Ka kasama ang lyrics nito sa Kapuso Karaoke, soon on GMANetwork.com.