GMA Logo gloc-9
What's Hot

#GMAHOAAccess: Gloc-9, naalala si Francis Magalona sa bagong kantang 'IDOL'

By Aimee Anoc
Published June 21, 2024 6:26 PM PHT
Updated July 2, 2024 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

gloc-9


Tulad ng bagong kantang "IDOL," may idolo ring pinangarap na makatrabaho si Gloc-9, ang yumaong King of Philippine Rap na si Francis Magalona.

Inalala ng rap icon na si Gloc-9 kung paanong nagbabakasakali siya noon na makita ng personal ang idolong si Francis Magalona.

Tulad ng kanta niyang "IDOL," na parte ng bago niyang album na SARI-SARI STORY, may idolo rin siya na pinangarap na makatrabaho, ang yumaong King of Philippine Rap na si Francis M.

"Ako ay nag-decide na magka-college ako sa Maynila sa FEU kasi sa tapat nun ay Isetann, nandoon 'yung YA-WEAR na store na sinusuot ni Sir. [Francis]," kuwento ni Gloc-9 sa naganap na press conference para sa bagong album na SARI-SARI STORY noong Huwebes, June 20 sa Tower of Doom Studio sa Quezon City.

Dagdag niya, "Every break time nakatayo ako roon sa tindahan na 'yun kasi baka dumating si Francis M. Kung pwede ko lang gawing verse 'yon kasi 'yun talaga experience ko roon."

Photo by: glocdash9 (IG)

Naka-collaborate ni Gloc-9 si Francis M. sa hit songs na "Lando," "Liwanag," at "Bagsakan" kasama ang Pinoy rock band na Parokya ni Edgar.

Ang "IDOL" ang isa sa pinaka paboritong kanta ni Gloc-9 sa bago niyang album na SARI-SARI STORY. Sa kantang ito, naka-collaborate niya sina G-Clown, Ramdiss, at Hero.

Ngayong Biyernes (June 21), inilabas na ni Gloc-9 ang SARI-SARI STORY na mapapakinggan sa iTunes, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital music platforms worldwide.

Pakinggan ang "IDOL" sa video na ito: