GMA Logo Gloc 9
Celebrity Life

Gloc-9 on winning attitude: "Never let your swag overshadow your talent"

By Jansen Ramos
Published August 31, 2020 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Gloc 9


Nagpahayag ng words of wisdom ang Pinoy rapper na si Gloc-9.

Hinangaan ang Pinoy rapper na si Gloc-9 sa kanyang mapuwersa ngunit madamdaming pahayag sa Facebook ngayong araw, August 31, patungkol sa pagpapakumbaba.

Sabi ng rapper, na may tunay na pangalang Aristotle Pollisco, "NEVER let your swag overshadow your talent.

"Ang sobrang galing na mayabang ay MAYABANG pero ang sobrang galing na hindi mayabang ay SOBRANG GALING."

Sa ngayon ay may mahigit 4,000 reactions at 606 shares na ang nasabing Facebook post.

Hindi ito ang unang pagkakataong naging viral online si Gloc-9.

Kamakailan lang ay pinasok na rin niya ang online food business para may pandagdag sa gastusin ngayong COVID-19 pandemic, na lalo siyang hinangaan.

Gloc9 food business

Bagamat sanay dumiskarte sa buhay, hindi nakaligtas si Gloc-9 sa mapanghusgang mata ng isang netizen.

Sinagot naman niya ito at sinabing walang masama sa pagbebenta ng online dahil ito ay marangal.

Ani pa ni Gloc-9, sanay siya sa hirap dahil dati siyang naglilinis ng basurahan, kubeta, at kanal bago siya naging rapper.