GMA Logo Pinoy Rappers
Source: glocdash9 (Instagram)
What's Hot

Gloc-9 teases collab with Shanti Dope, CLR, Omar, and Pricetagg

By Jimboy Napoles
Published September 7, 2022 6:53 PM PHT
Updated September 7, 2022 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Rappers


"Kailangan mo ba ng resbak?" - Gloc-9

Exciting ang tila dream collaboration na niluluto ng OPM icon na si Gloc-9 kasama ang ilan sa mga sikat na Pinoy rappers ngayon na sina Shanti Dope, CLR, Omar Baliw, at Pricetagg.

Sa Instagram post ni Gloc-9 ngayong Miyerkules, September 7, makikita ang larawan kung saan ay magkakasama sila ng kapwa Pinoy music artists sa isang studio.

"Kailangan mo ba ng #resbak ?!" simpleng caption ni Gloc-9 sa kanyang post.

A post shared by Aristotle Pollisco (@glocdash9)

Kapansin-pansin din ang hashtag na isinulat ng Pinoy rapper na #pilak at #makatasapinas.

Sa comment section ng kanyang post, agad na nagkomento ang ilan sa kanilang fans.

"Bigat nito Sir!" komento ng isang fan.

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Gloc-9 ang kanyang 25th year sa industriya sa Sunday noontime variety show ng GMA na All-Out Sundays kung saan nakasama niya isang maangas na performance si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at singer na si Patrick Quiroz.

SAMANTALA, BALIKAN NAMAN ANG MGA LARAWAN NG TINAGURIANG FILIPINO KING OF RAP NA SI FRANCIS MAGALONA SA GALLERY NA ITO: