
Isa si Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa mga sumasang-ayon sa pagsali ng mga transgender women sa Miss Universe pageant.
First time sa kasaysayan ng Miss Universe na may transgender candidate at ito ay Miss Spain Angela Ponce.
Noong 2012 tinanggal ang ban sa transwomen sa pagsali sa most prestigious beauty pageant sa mundo.
Nagkomento si Gloria tungkol dito sa ginanap na presscon ng Pamilya Roces kagabi, October 3.
'Pamilya Roces' makes "nakakalokang" debut on GMA Telebabad
Sabi niya, "Well, I have nothing against that, gusto ko nga 'yun, e.
“It's more competition kasi [it doesn't] mean naman na you cannot be beautiful because you're transgender, di ba?
“But I don't know how it will affect the competition itself because usually [kapag] beauty contest babae parang reyna."
Maaalalang naging hurado pa si Gloria sa "Super Sireyna Queen Of Queens" ng Eat Bulaga! at hindi niya napigilang humanga sa contestants nito.
"I've been a judge in transgender [beauty competition], ang gaganda talaga even 'yung mga [Super Sireyna contestants]. Even sa malalapit ang gaganda nila." saad niya.