GMA Logo Gloria Romero
What's Hot

Gloria Romero, binigyang-pugay ng netizens

By EJ Chua
Published January 27, 2025 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing: P10-billion budget hike for House for members’ personnel, office needs
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Gloria Romero


Bukod sa celebrities, nagbigay-pugay rin ang netizens sa Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.

Isa si Gloria Galla Gutierrez, na mas kilala bilang Gloria Romero, sa mga artista sa Pilipinas na lubos na minahal, sinuportahan, at talaga namang sinubaybayan ng Pinoy viewers.

Kasunod ng malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ni Gloria, usap-usapan ngayon sa social media ang kontribusyon ng veteran actress sa entertainment industry.

RELATED CONTENT: Celebrities pay tribute to the Queen of Philippine Cinema Gloria Romero

Gaya ng maraming Pinoy celebrities, taos-puso ding nagbigay-pugay ang fans at netizens sa tinaguriang Queen of Philippine Cinema.

Sa Unang Hirit nitong Lunes, January 27, inilahad ang kabi-kabilang posts sa social media tungkol kay Gloria.

Ang netizen na si Lorena Ledda, nagpasalamat sa ipinamalas na husay ng aktres sa pagganap sa kanyang iba't ibang roles sa telebisyon at pelikula.

Ayon naman sa isa sa napakaraming tagahanga ni Gloria na si Anna Liza Chua, “From old movies, comedies, kahit kontrabida pa, she'll always be a favorite and will be missed.”

Matatandaang kinumpirma ng nag-iisang anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez ang pagpanaw ng aktres noong January 25 ng hapon.

Binawian ng buhay ang batikang aktres sa edad na 91.