What's Hot

Gloria Romero, nag-enjoy ngunit kinabahan sa pagsabak sa Kalye-serye

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 24, 2020 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Sumabak kamakailan ang beteranang aktres na si Gloria Romero nang bumisita siya sa 'Juan For All, All For Juan' segment ng 'Eat Bulaga' at gumanap bilang si Tiya Bebeng sa kalye-serye.
By BEA RODRIGUEZ

 
Sumabak kamakailan ang beteranang aktres na si Gloria Romero nang bumisita siya sa 'Juan For All, All For Juan' segment ng 'Eat Bulaga' at gumanap bilang si Tiya Bebeng sa kalye-serye.
 
LOOK: Eat Bulaga Kalye-serye Recap: 16th weeksary at ang pagbisita ni Tiya Bebeng
 
Inamin ng Kapuso star sa eklusibong panayam ng GMANetwork.com sa shoot ng Kapuso Christmas Station ID na nag-enjoy siya ngunit kinabahan bilang guest ng serye.
 
"Ang saya-saya pero ni-nerbyos ako kasi first time ko mag-taping ng ganun na live, na hindi taping na katulad ng ginagawa namin sa mga soap operas na may dialogue," saad ng multi-awarded actress.
 
Kahit hindi siya pamilyar sa estilo ng Kalye-serye, tinulungan umano siya ng mga Dabarkads. Aniya, "I’m not very familiar with the way they talk na ganun pero nandun naman sila to guide me. But, all in all, I enjoyed it [and] it was fun."
 
WATCH: Eat Bulaga: Tiya Beneng, nag-dubsmash kasama ang AlDub at De Explorer sisters
 
Si Tiya Bebeng ay ang striktong tiyahin nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora na isa sa mga nagbibigay ng mga babala. Ikinuwento pa ng batikang aktres ang tungkol sa kanyang karakter, "Ang istorya ko dun ay ang tiya nila na matagal nang 'di nila nakikita at hindi [rin] nila ako inimbita sa ["Sa Tamang Panahon" concert] so I decided na pumunta sa kanila para tingnan kung ano ang pinagkakaabalahan nila."
 
Nang malaman ni Tiya Bebeng na may manliligaw si Yaya Dub, agad itong tumutol at pinagdudahan ang intensiyon ni Alden Richards na 16 weeks nang nanliligaw sa dalaga. "Strikta ako eh, belongs to old school. Sabi ko 'di pwede ang ligawan [kasi] ang bata pa nila."
 
WATCH: Eat Bulaga: Alden Richards, ininterview ni Tiya Bebeng
 
Pinatunayan ni Alden ang kanyang sarili at nabago niya ang isip ng striktang tiyahin. Pagtatapos ni Ms. Gloria, "Sabi ko, 'Sige na nga, ang pag-ibig nga naman at saka ang gwapo [ni Alden]! It was fun!"
 
READ: Maine Mendoza and Gloria Romero share one thing in common