Article Inside Page
Showbiz News
It's official! Multi-awarded dramatic actress, Claudine Barretto is now a Kapuso star. Ano nga ba ang naghihintay para sa kanya sa GMA-7?
Claudine Barretto is now a Kapuso star. Yes, you read it right. Late afternoon of November 25, 2009, the actress signed a contract for a series of projects with the Kapuso station--beginning with a movie that will be co-produced by Viva Films and GMA Films. Text by Jason John S. Lim. Interview by Lhar Santiago. Photos by Vic Eyatid.

After the said contract-signing, Chairman, President and CEO of GMA Network Felipe L. Gozon tells the attending members of the press, "I would like to personally welcome her here sa GMA. At kami ay tuwang-tuwa na naging Kapuso na siya. Sapagkat hindi naman kaila sa lahat na napakagaling na artista nito.
"We are very, very glad that she is joining us," tuloy pa niya.
Executive Vice President and COO of GMA Network Gilberto R. Duavit, Jr. adds, "Well, ang masasabi ko lang ay 'Sa wakas!'. Si Claudine ay maraming tagahangang mga Kapuso--isa na ako roon--at hindi naman kaila na si Raymart [Santiago, Claudine's husband] ay Kapuso din. So welcome to the family, Claudine. We are very proud and very happy that Kapuso ka na ngayon, and excited na excited tayong lahat sa mga nakahilerang mga project [for you]."
Claudine herself is very happy to be joining the Kapuso family. She says that she is very happy "na ngayon ay kasama na ako sa pamilya ng Kapuso network. At masaya kasi makakasama ko na rin ang asawa ko, finally."
And while the actress admits na naninibago pa rin siya, she continues, "I think ang pinaka nangunguna talaga sa lahat ng nararamdaman ko ngayon [ay] 'yung excitement. And at the same time, excited talaga ako dahil alam kong magaganda 'yung mga nakahilerang projects for me.
"At the same time, makakasama ko 'yung asawa ko--at mababantayan ko na siya," biro pa niya.
Does this mean we will be looking forward to a project with the two of them together?
"Sana. Tanungin natin siya," sagot ni Claudine. "I think isa 'yun sa mga pinaplano."
How did Claudine come to sign with GMA-7?
"Actually everything was really, really fast." Claudine adds, "Itong pangyayaring ito, hindi talaga kami prepared. Pero 'yung pinag-isipan at pinagplanuhan mabilis rin lang. Kung kailan lang talaga nagkaroon ng offer."
Claudine says she wanted something new. "Parang bagong chapter sa buhay ko. And 'yun, parang bigla na lang everything fell into place. Pero 'yung nakakagulat itong lahat--kasi una, nagsimula ‘yan sa pelikula lang. 'Di ba sa Viva? I signed up with Viva Films. And then, ang nangyari, nag co-prod sila with GMA Films. So tamang-tama. Doon na nagkasunud-sunod ang lahat."
Asked kung excited na ba siyang makatrabaho ang mga Kapuso stars, Claudine says she's looking forward to working with many of them. "Siyempre pinapanood ko ang shows ng asawa ko, and fan na fan ako ng maraming shows dito, lalo na 'yung
Darna, of course. And 'yung kay Dingdong [Dantes] at saka kay Rhian [Ramos]. So marami akong gustong makatrabaho."

"Si Marian [Rivera], nakausap ko sa phone." Claudine says she hasn't met the actress yet in person though. "Hindi pa kasi ako nagkaroon ng chance na sumama or dumalaw sa taping ng
Darna." But, kuwento niya, her husband Raymart shot a video of Marian giving Claudine's daughter Sabina a message. "Kasi nanunuod nga si Sabina ng
Darna, sobrang favorite niya."
Dagdag pa niya, she's also looking forward to reuniting with some of her old friends like Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Patrick Garcia and Paolo Contis. "Ang dami naming catching up to do!"
And, of course, nandoon din ang mga co-stars ni Raymart from his previous sitcoms,
Kool Ka Lang and
Lagot Ka, Isusumbong Kita. Claudine notes, "yan 'yung mga lagi naming nakakasama up to now."
Ano namang message ang masasabi ni Claudine about her welcome sa GMA-7?
"Maraming, maraming salamat po," she begins. "Ako man ay nanunuod rin ng GMA, and fan rin ng Kapuso network. So nagpapasalamat po ako sa mga ninong at ninang ko, at mga boss namin dito sa GMA, for welcoming me talaga."
And you've read it here first. Laging tumutok sa GMA-7 for more breaking news, and siyempre, sa iGMA.tv, ang official entertainment website ng Kapuso Network.
Pag-usapan ang pagiging Kapuso ni Claudine Barretto sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!