Article Inside Page
Showbiz News
Anu-ano kaya ang tinilian at kinakiligan ng mga Kapuso sa 60th anniversary concert ng GMA?
Anu-ano kaya ang tinilian at kinakiligan ng mga Kapuso sa 60th anniversary concert ng GMA?
Ginayakan ng mga naglalakihang Kapuso stars ang anniversary concert ng GMA entitled
GMA at 60, The Heart of Television noong June 18 sa Araneta Coliseum.
Isang gabi ng sayawan, kantahan, at celebration ang inihandog ng GMA at ng mga stars nito para sa mga Kapuso na dumagsa sa Araneta noong gabing ‘yon.
To start the night, nagkaroon ng video presentation about GMA's history: mula sa humble beginnings ng TV network bilang isang maliit na radio station noong 1950s hanggang sa pagiging leading television network nito 60 years after. Sinabayan naman ito ng engrandeng opening number na pinangunahan ng Asia’s songbird Regine Velasquez kasama ang iba pang Kapuso stars upang balikan ang anim na dekada ng GMA.
Ang unang nagpakitang-gilas ay ang grupo ng
KiliTV sa pamamagitan ng isang nakakatawang dance number sa kantang “O Sole Mio” na kinanta ng dalawa sa respetadong comedians ngayon na sina Michael V at Ogie Alcasid. Buong pagmamalaki ring inihandog ng KiliTV ang
Bubble Gang na longest running gag show ngayon sa Pilipinas.

Musical tribute naman ang inihandog ng
Sinenovela at
Telebabad stars para sa mga masusugid na tagasubaybay nila. Dito ipinakita nila ang most memorable characters na minahal ng mga manonood, tulad nina Maxene Magalona bilang Jessa sa
Una Kang Naging Akin, Jean Garcia bilang Alvina sa
Ina, Kasusuklaman Ba Kita? para sa mga Sinenovela. Sila Marian Rivera bilang Darna at Iza Calzado bilang Amihan sa
Encantadia para naman sa Telebabad.
Isa rin sa ipinagmalaki ng GMA ang paghubog nito sa mga kabataang nakitaan nila ng potentials at binigyan ng career sa showbiz. Ipinakita ng Kapuso Network ang napakaraming homegrown talents nito sa isang production number na punung-puno ng mga pinaka sikat na young stars ngayon, tulad ng
Starstruck grads,
Popstar Kids, at ilan sa cast ng
First Time.
Video presentation naman ang inihandog ng
GMA News and Public Affairs led by its pillars Jessica Soho, Vicky Morales, Howie Severino, Arnold Clavio, Mel Tiangco, and Mike Enriquez. Isang walang kinikilingan at walang pinoprotektahang pagbabalita ang ipinangako ng most-respected and most-awarded news organization para sa mga manonood nito. Matapos ang video presentation ay kinanta naman ni Kuh Ledesma at ng Sugarfree ang theme song ng News and Public Affairs na
Panata.
Kasabay ng celebration ng 60th anniversary ng GMA Network ay ni-launch rin ang tatlong bagong palabas sa GMA na siguradong aabangan na naman ng mga Kapuso viewers. Nangunguna na rito ang
Trudis Liit na pagbibidahan ng cute na cute na si Jillian Ward, ang
Survivor Philippines: Celebrity Edition with Richard Gutierrez as host, at ang pinaka aabangang remake ng
Endless Love. Tinilian at ikinakilig pa lalo ng mga tao sa paghahandog ng real life couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng isang special dance number to the tune of
Endless Love, na title rin ng kanilang pagbibidahang drama series.

Bukod sa mga bigating production numbers na inihanda ng Kapuso network ay nagbigay rin ng isang song and dance number ang sikat na K-Pop group na Beast na siyang nagpa-excite at nagpasaya pa lalo sa mga tao.
To close the celebration ay kinanta nila Janno Gibbs at Ogie Alcasid ang anniversary theme songs ng GMA Network for the past years, kasama ang 60th anniversary theme song nito entitled
Tagumpay ng Kapuso.
Did you miss this event? Don't worry dahil mapapanood ninyo ang bonggang celebration na ito entitled
GMA at 60, The Heart of Television on
June 27, Sunday sa
SNBO, pagkatapos ng
Kap’s Amazing Stories.
Pag-usapan ang anniversary ng GMA sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!