What's Hot

GMA Christmas Station ID 2021 jingle "Love Together, Hope Together" sinabayan ng mga manonood

By Jansen Ramos
Published October 17, 2021 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

gma christmas station id 2021


Dahil sa trending lyric video ng "Love Together, Hope Together," marami na ang excited na makita ang buong Christmas station ID ng GMA ngayong 2021.

It's official!

Damang-dama na ang Pasko dahil sa unang pagkakataon, narinig na nang buo ang GMA Christmas Station ID jingle na "Love Together, Hope Together" sa All-Out Sundays ngayong October 17.

Naki-kanta ang viewers sa pamamagitan ng lyric video ng "Love Together, Hope Together," na inawit ng Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Christian Bautista, Mark Bautista, Maricris Garcia, Hannah Precillas, at Ms. Lani Misalucha.

Kasama rin sa mga nag-record ng Christmas jingle sina Arra San Agustin, Faith Da Silva, Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, at XOXO.

Sa katunayan, ilang minuto pa lang matapos itong ipinalabas sa telebisyon ay trending na agad ang topic na #GMAChristmasSIDJingle2021 sa Twitter na nakakuha ng mahigit two thousand tweets as of writing.

Ayon sa ilang netizens, nakaka-inspire ang lyrics ng "Love Together, Hope Together" na mula sa panulat nina BJ Camaya, Emman Rivera, at Jann Lopez, at mula sa komposisyon ni Simon Peter Tan.

Natuwa rin ang ilan matapos makitang nagsama-sama ang magagaling na Kapuso singers para sa 2021 GMA Christmas station ID jingle.

Dahil sa lyric video ng "Love Together, Hope Together," marami na ang excited na makita ang buong Christmas station ID ng GMA ngayong 2021.